MAHIGPIT ang paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga ka-kandidato sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections na linisin ang mga kalat at bakbakin ang kanilang mga poster para sa darating na halalan sa Lunes.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, ang sinumang kandidato, nanalo at natalo man sa halalan ay kailangan tanggalin ang kanilang mga campaign poster pagkatapos na pagkatapos ng botohan.
Mariing inihayag ng DILG na responsibilidad ng mga kandidato na bakbakin ang kanilang mga isinabit, idinikit na posters, at paglilinis sa mga ikinalat nilang campaign materials.
Kaugnay nito, magtatalaga ng DILG Monitoring teams para naman magbantay sa mga kalahok sa barangay at SK elections kung tatalima sila sa mga alituntuning itinakda para sa BSKE 2018.
Babala pa ni Malaya, may takdang parusa para sa mga susuway sa mga alituntuning ito, kabilang ang pagkatanggal sa puwesto. VERLIN RUIZ
Comments are closed.