DILG SA MGA REBELDE: “STOP RECRUITING MINORS”

Rebelde

KINONDENA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim  ni  Sec. Eduardo M. ang ginagawa ng mga komunistang grupo sa patuloy na pagre-recruit ng mga kabataang estudyante at maging sa mga out-of-school youth upang gawing komunista at maki­paglaban sa gobyerno.

Patunay nito ang ilang napatay na 15-anyos na  New People’s Army (NPA)  combatant sa isang engkuwentro na napatay ng mga kawal ng gobyerno.

Noong Mayo 19, 2019, kinumpirma ng  Philippine Army’s 36th Infantry (Valor) Battalion na ang CPP-NPA-NDF ay nagre-recruit ng mga menor de edad kabilang na roon ang napatay sa isang banggaan ng mga sundalo at rebelde sa Brgy. Cancavan, Carmen, Surigao del Sur.

Isa pang 15-anyos na combatant sa labanan ng  Armed Forces of the Philippines at  NPA sa Sitio Bayongon, Barangay Astorga sa Sta. Cruz, Davao del Sur noong Abril 21, 2018.

Tinatayang dalawang lalaki at isang babae na ang napapaslang mula sa hanay ng mga rebelde at tropa ng gobyerno sa Compostela Valley noong Hulyo 12, 2017. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.