SINERMUNAN nina Senators Panfilo Lacson at Loren Legarda ang Department of Interior and Local Government ( DILG ) dahil sa underspending ng budget kada taon.
Lumabas sa pagdinig na umaabot sa P9.5 bilyon kada taon ang hindi nagagastos ng DILG at napupunta na lamang sa National Treasury.
Sermon pa ng dalawang senador kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang paghingi nito ng malaking budget tuwing may budget deliberation gayong hindi naman pala ito nagagastos.
Pinuna rin ni Lacson na tila hindi nakararating lahat ng pondo ng DILG sa Local Government Units (LGUs) dahil tapos na ang budget sa Kongreso ay saka pa lamang inaayos ng ilang lokal na pamahalaan ang kanilang pondo.
Nabanggit din ni Legarda na may ilang local at barangay officials ang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong sa mga proyekto na dapat sana ay kasama na ito sa pondo na inilaan ng Kongreso sa DILG.
VICKY CERVALES
Comments are closed.