DILG TUTUTUKAN ANG TIWALING LGUs

DILG OFFICE

QUEZON CITY- PINAG-AARALAN na ng  Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga reklamo tungkol sa ilang local na  opisyal na nandaraya sa relief goods at financial assistance ng pamahalaan partikular ang mga nasa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa DILG nireresolba na nila ang mga nakarating na sumbong hinggil sa umano’y inuuna umano ang kanilang kamag-anak sa pamamahagi ng mga benepisyo at sa cash assistance na inilaan sa nga pamilyang lubhang naaapektahan ng ipinatutupad na enhanced community quaranting bunsod ng coronavirus.

Ayon kay Interior Usec. Martin Diño, tinatayang nasa 2,000 reklamo na ang natanggap nila mula nang ipatupad ang nasabing programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bukod sa pagbibigay ng prayoridad sa kamag-anak, may mga ipinadalang reklamo rin aniya ang DILG kaugnay ng paninigil ng P2,000 processing fee.

Magulo rin aniya at  hindi updated ang listahan sa mga residente ng ilang barangay na naka-base pa sa 2015 census na pinagsisimulan ng gulo.

Dahil dito, apektado ang mga bagong lipat sa mga lugar na walang updated na listahan ng mga residente kung saan hinihinalang napupunta ang ilang benipisyo sa mga tiwaling opisyal ng barangay.

May mga ulat rin hinggil sa padding ng ilang barangay chairman sa kanilang mga list of benificiaries na pagkakalooban ng cash at relief assistance gaya ng napabalita sa lungsod ng maynila. VERLIN RUIZ

Comments are closed.