DIMPLES ROMANA HUMAHATAW SA ENDORSEMENTS

SOBRANG blessed ang Kapa­milya actress na si Dimples Romana dahil patuloy naThe point bumubuhos ang blessings sa kanya.

Katunayan, isa na siya sa pinakain demand na celebrity endorsers sa showbiz  ngayon.

Aniya, malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang Dreamscape family dahil sa kanya ipinagkatiwala ng mga ito ang role ni Daniela Mondragon na maituturing niyang  career-defining para sa kanya.

“Actually, it’s a product also of hard work.  Nakaka-humble na  more than  the endorsements, it’s really more of the kind of  influence that you can use to share positivity, the things I really use at home as a person, as a mom, as a wife. Ang sarap lang isipin na nakaka-affect  tayo ng life ng iba through the work that we do,” pambungad niya.

Happy rin siya na kahit kontrabida ang role niya sa Kadenang Ginto, nagbunga rin ito ng positibo pagdating sa mga endorsements at commercials.

“I don’t know nga, eh.  It’s always a wonder to me. Ako ang kontrabida ng show. But I guess, because of  social media, they see the woman behind,  the role, because, sabi ko nga, itong trabahong ito para sa akin talaga ito. Something that makes me happy, but nothing makes me even  happier than seeing my family na  buo kami, masaya kami.  My husband and  I, we have been married for 16 years. Callie is now 16. She goes to a good school and gets good grades. Alonzo is also very  happy, very sociable. Parehong healthy sila. Iyon pa lang ipinagpapasalamat ko na, so anything more than that,  sobrang bonus na sa akin,”paliwanag niya.

Aminado rin siyang  life at career-changing ang pagdating sa kanya ng iconic role ni Daniela Mondragon na nagpabongga sa kanya bilang tao at aktres.

“Actually, lahat kami sa Kadenang Ginto family, lahat kami, na-blessed. Si Beauty at iyong mga bata, sina Francine at Andrea at iyong iba, nagkaroon din ng endorsements. Nagkaroon din kami ng shows at marami kaming trabaho even outside of the country. Pati nga sina Eric Fructoso at Joko Diaz. I’m  just very happy na nabibigyan kami ng light,”esplika niya.

Masaya rin siya na ang isang character actress na tulad niya ay nabibigyan ng pagkakataong mag-shine hindi lang sa pelikula, te­lebisyon kundi pati sa mga endorsements.

“Natutuwa ako na ang isang character actress ay nabibigyan ng chance sa ibang bagay, tulad ng endorsements. Actually, iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Iyong pintong nabubuksan, hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng character actors na puwede rin silang makapag-endorse in the future, and the doors are not only opening for me. Pagkatapos nito, ang dream ko, marami pang character actors ang mabigyan ng tsansa, at mabigyan din ng light iyong trabaho namin,” pagtatapos niya.

Si Dimples ang pinakabagong endorser at ambassadress ng JuanLife, isang eksklusibong produkto ng Agile Insurance Agency and Business Technologies, Inc. (AGILE), isang insurtech company na ang layunin ay mag-develop at mag­hatid ng abot-kayang seguro o insurance para sa masang Filipino sa mabilis at konbenienteng paraan gamit ang teknolohiya at mga kinatawan ng komunidad.

Comments are closed.