RAMDAN na sa kapaligiran ang Kapaskuhan. Kaliwa’t kanan na ang mga kumukutitap na dekorasyon, at abala na ang mga tao sa pamimili ng regalo.
Naghahanda na rin ang mga Pinoy ng pang-Noche Buena na pagsasaluhan ng mga pamilya.
Para sa Kadenang Ginto actress na si Dimples Romana, ang pinakabagong brand A ambassador for CDO Premium Holiday Ham, hinding-hindi dapat mawala ang ham sa Noche Buena.
“Hindi buo ang Christmas namin kapag wala ang CDO Premium Holiday Ham. ‘Yung sama-sama, salo-salo, magdarasal, kakain, parang parte na rin talaga to have that ham there.”
Bahagi na raw ito ng tradisyon na kanyang kinalakihan, na patuloy niyang ginagawa ngayong may asawa at dalawang anak na siya.
Sa kanyang social media accounts, mapapansin na ang kanyang pamilya, ang mga Romana at Ahmee, ay laging sama-sama tuwing Noche Buena.
“We make it a point that no matter how busy we are, we should be together on this special day” sabi ni Dimples.
“Sa katunayan nga, may iba’t ibang motif kami taon-taon. Minsan Pinoy, minsan Spanish, pero ang hindi nababago ‘yung CDO Premium Holiday Ham. Favorite siya no matter what theme we do for Christmas.”
Kung siya ang papipiliin, pasok na pasok daw sa panlasa ni Dimples ang smoky flavor na may pineapply sweetness ng CDO Premium Holiday Ham, na gawa sa malambot na karne mula sa pigi ng baboy, ang pinakamainam na karne para sa paggawa ng ham; at siguradong walang halong anumang extender.
Bukod pa rito, siguradong ASF-safe ito dahil ang karne ay galing sa credible meat supplier.
Dahil magaling sa kusina, labis niyang ikinatuwa nang malaman niyang pina-level up pa ang CDO Premium Holiday Ham dahil mas marami na itong pineapple glaze!
Sabi niya, “You don’t need to bother boiling CDO Premium Holiday Ham in pineapple juice as it has already been cooked in the sweet indulgence of pineapple.”
Kaya naman nang mag-shoot para sa commercial, hindi ang pag-arte ang kinasabikan ni Dimples, na isa sa mga kinilala sa Asian Academy Creative Awards para sa role niyang Daniela sa Kadenang Ginto.
“Siyempre, ang pinakaunang tinanong ko, meron po bang CDO Premium Holiday Ham sa TVC shoot? Naghanap talaga ‘ko.”
“Iba kasi kapag ine-enjoy mo talaga. It shows how passionate you are about things. Not only for food but for life.”
Bilang bagong endorser ng CDO Premium Holiday Ham, ibinahagi niya ang paraan para mag-stand out at mag-level up Noche Buena ngayong taon.
Ang CDO Premium Holiday Ham ay isang dekalidad na produktong gawa ng CDO Foodsphere, Inc. na tamang-tama para ibahagi sa pamilya at iba pang mga mahal sa buhay. A quality that is simply the best. EVELYN DIAO
Comments are closed.