NI-REVEAL ni Dimples Romana ang partisipasyon niya sa nalalapit na kasal nina Angel Locsin at Neil Arce. Si Dimples ang matron of honor at siya rin ang naatasan bilang official spokesperson nina Angel at Neil.
Kuwento ni Dimples, naghahanda na raw sila para sa bachelorette party for Angel. Ang bachelorette ay ang pagdiriwang ng babaeng malapit ng ikasal kung saan ang female friends lang niya ang invited.
“Pero kasi, bilang rockstar ang kaibigan ko, alam mo naman si Angel. Ibang klase siya na bride. So, kaming magre-ready ng bachelorette, by the way, ay hindi lang mga puro babae,” pagri-reveal ni Dimples.
May male friends daw si Angel na invited sa bachelorette party for Angel.
Ibinalita rin niya na may venue na raw para sa inaabangang Neil-Angel wedding. Pero siyempre, ayaw pa I-reveal ni Dimples ang lugar.
Tinanong din namin siya kung may payo ba siyang maibibigay kay Angel sa pagpasok nito sa buhay may-asawa.
“Angel would always say na, she would always watch me how I am with my family. So, pakiramdam ko hindi na kailangan i-verbalise. Alam naman niya, ‘My love’ nga ang tawag niya sa asawa ko, e. At some point inisip ko, baka itong si ‘Darna’ maagaw pa ‘tong asawa ko, e. Pero hindi siya ganoon. Kaya, alam ko nang secure ako kahit na ‘My love’ ang tawag niya (Angel). Ang sabi ko lang sa asawa ko, ‘Huwag ka namang ma-in-love,” biro ni Dimples.
NEOCOLOURS: TULOY PA RIN ANG BANDA
INAABANGAN na ang nalalapit na major concert ng sikat na grupo nu’ng ‘90s, ang Neocolors, sa Music Museum on November 16 titled “Neocolors: Tuloy Pa Rin Ang Banda” directed by Frank Lloyd Mamaril.
Isa sa mga pinakasikat na banda nu’ng ‘90s ang Neocolours. At halos lahat ng songs nila ay nag-hit gaya ng sikat nilang kantang “Tuloy Pa Rin,” “Say You’ll Never Go,” “Maybe,” Hold On” at “Kasalanan Ko Ba?”
Ang Neocolours ay binubuo nina Ito Rapadas, Jimmy Antiporda, Marvin Querido, Josel Jimenez, Paku Herrera and Nino Regalado.
Actually, hindi nag-disband ang Neocolours nu’ng nawala sila for a while sa music scene. In fact, may ni-release ba sila na song titled “Giliw” at nagko-concert pa rin ang grupo.
Ayon sa kuwento sa amin nina Ito, Marvin at Jimmy, they just go on with their individual life and career.
But every time they are needed for a show, in contact pa rin sila with each other at nagkakasama sa show or special appearances. Most of the are still very active in the music industry and music continues to connect them.
Top executive ng kilalang recording company si Ito ngayon. Habang si Marvin naman ay one of the most in-demand musical directors sa bansa.
“It’s always good to reconnect with former band mates, who have been like my brothers in this industry. More so for a band that has opened so many doors for us,” sabi ni Marvin.
Tampok din sina Nicole Asensio, Jett Pangan and Jamie Rivera as guest performers.
For tickets, go na lang po sa Music Museum located at Greenhills, San Juan, Metro Manila.
Comments are closed.