BALIK-OPERASYON na ang mga food establishment na may dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ipatutupad ang health protocols sa ilalim ng dine-in setup na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ang pinakamataas na policymaking body ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.
Ang dine-in service sa food establishments ay papayagang mag-operate sa maximum 50% ng seating capacity.
“Pinayagan na po ang dine-in operations pero hindi po nangangahulagang piyesta at inuman na,” ani Roque sa isang televised briefing.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15 ay ang Cordillera Administrative Region, Regions I (maliban sa Pangasinan), IV-B, V, VI, VIII, IX (maliban sa Zamboanga City), X, XI (maliban sa Davao City) at XII, CARAGA, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang nalalabing bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila, ay nasa ilallm ng general community quarantine.
Comments are closed.