ATING tikman ang mga Lutong Filipino-Western Style Cuisine ni Chef Mark Tailan, dating nagtratrabaho bilang isang barista sa isang malaking hotel sa Baguio City bago siya nakapagtapos ng kolehiyo sa nasabing lungsod. Naging inspirasiyon niya sa pagluluto ang kaniyang ina na nagtrabaho sa canteen sa dati niyang eskwelahan. Ang kaniyang magulang ang unang nagturo sa kaniya sa pagluluto. Si Chef Mark ang panganay sa kanilang pamilya at dahil sa mga panahong iyon ay hirap pa sa buhay at katatapos lang ng pag-aaral ay napagdesisyunan niyang mag-ibang bansa muna upang makatulong sa mga magulang.
Nagtrabaho si Chef Mark sa mga Restaurants and Hotels ng Dubai at Singapore ng mahigit pa sa isang taon. Marami siyang mga karanasan sa pagluluto ng pagkain at mas lalo nitong hinasa ang galing niya sa larangang ito.
Pagka-uwi ni Chef sa pinas ay napag-usapan nila kaniyang mga biyenan na sina Ginang Delia at Ginoong Samuel Balanga ang magiging financer at sila naman ng kaniyang asawa ay ang magiging manager ng bagong negosyo na restaurant. Dahil sa suportang bigay ng mga biyenan ay talaga namang pinagbuti nila ang pag-tratrabaho. Sila’y nagsimulang magbukas ng Ika-walo ng Pebrero taong 2020, bago nagsimula ang COVID-19 pandemic. Dahil dito naging mahirap para sa kanila ang maipakilala ang bagong negosyo at menu sa mga customers. Ngunit imbes na sila’y mawalan ng pag-asa ay ginawa nila itong inspirasyon upang harapin ang bagong pagsubok at hindi hinayaan ni Chef Mark na matinag siya sa pagtupad ng kaniyang pangarap na lumago ang kanilang negosyo. Sumabay sila sa uso gaya ng Take-outs at mababang presyo at kahit pakonti-konti ay dahan-dahang umunlad ang kanilang negosyo. Para sa kanila ay tuloy pa rin ang laban at kailangan ng mahabang pasensya at tiyaga upang umunlad.
Isa sa kaniyang mga ibinibida sa kanilang menu ay ang Bulalo. Patok ang sarap nito dahil sa katamtamang timpla ng mainit na sabaw, malambot na karne at creaminess ng bone marrow sa kanin. Susunod naman ay ang chinese style inspired Dinakdakan at talaga namang nakakamangha ang pagiging malikhain at pagkabihasa ni Chef Mark sa kusina dahil dinagdagan niya ito ng twist of molecular gastronomy sa paggawa ng special spicy sauce.
Da best din ang Crispy Palabok na ibinida ni Chef para sa merienda at ang mga masasarap na inumin gaya ng Banana Milk Shake at Italian Soda’s. At hindi rin papahuli ang mga baked goods at desserts ng Diner’s Haven. Isa sa mga talagang tinatangkilik ng mga customers ang Molten Lava cake with Vanilla ice-cream.
At siyempre naman lahat ng ito ay pwede mong makitang ginagawa para sa iyo mula sa labas ng kusina dahil sa glass window na nakapagitan. Malinis at masarap na pagkain sa tamang presyo o halaga para sa masa ang tema ng Diner’s Haven. Bukas din ang restaurant sa mga improvements and requests ng mga customers.
Ang restaurant ay laging malinis, maaliwalas at maluwag para sa dine-in guests, Puwede rin sa business meetings, conferences at corporate events maaari rin na sila ang mag-host ng mga private parties na siguradong masarap na maiihaing Filipino-Western Style Cuisine ni Chef Mark. Kaya’t ano pa’ng hinihintay natin? Tara na’t bisitahin ang Diner’s Haven! RAIN TIROL