DINGDONG DANTES ‘DI SANAY MAWALAY SA PAMILYA

dingdong

KUNG pag-uusapan din lang ang pagiging good family provider and dad, tiyak na wallfacekasali diyan ang pangalan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Isa kasi si Dingdong sa mga daddy sa showbiz na pagkatapos ng kanyang showbiz commitment ay uwi na agad sa pamilya at nagbubuhos ng time na mag-alaga sa kanyang mga anak.

Mas lalo na ngayon na dalawa na ang tsiki­ting nila ng misis na si Marian Rivera. Say ng actor, dahil lumalaki na rin ang kanyang pamilya at alagain pa ang mga anak ay sinisiguro ni Dingdong na andu’n siya sa tabi ng asawa sa pag-aasikaso sa kanila ng mga ito. Personal touch kasi ang binibigay ng mag-asawa sa kanilang mga babies.

Ani pa nga ni Dingdong, nagkaroon siya ng separation anxiety sa kanyang pamilya ng mag-show sa Canada at nawalay siya sa mga ito ng halos 10 araw. Heto na raw ang pinakamatagal na araw na hindi niya katabi ang kanyang pamilya. Hindi raw siya mapakali sa bansang pinuntahan at mala­king tulong daw para kay Dingdong ang open communication nila ng misis at video call para maging updated sa kanyang pamilya.

Samantala, dala-dalawa ngayon ang pinagkakaabalahan ng actor, ang pagiging host ng “StarStruck 7” at sa taping ng bago niyang teleserye sa Siete, ang “Descendant of the Sun”, isang sikat na Koreanovela.

Congrats, Dingdong for winning the Best Actor Award na nakaraang Eddy’s!—ED.

KIM DOMINGO NAGPAPAPANSIN

AMINADO si Kim Domingo na hindi na rin naman kasing-init ng dati ang kanyangKim Domingo popularidad noong time na nasa sexy image pa siya. Tapos, na-inlove at nakipag-live-in. Na­ging malaking puntos ito kung kaya parang ‘nanamlay’ ang kanyang showbiz career. Bibihira talaga sa mga artista natin na suwerte pagdating sa lovelife  pati na rin sa showbiz career.

Sa bagong teleserye ni Kim na “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” ay hindi maiwasang magamit ang isyu sa kanya at sa dating kalive-in partner na si cager Mike Acuña. Tsikang papansin daw itong si Kim dahil sa ginagamit lang daw niya ang isyung hiwalay na sila ng boypren para magbalik ang mga followers niya?

Ani naman ni Kim, wala raw ganu’n, hindi raw niya gagamitin ang lovelife niya para mapag-usapan.

Matagal na raw silang hiwalay ng dating boypren bago pa man siya magsalita hinggil dito. At sa palagian niyang pagpo-post ng sexy photos sa kanyang social media account, may chance na kaya na balik sa dating image na si Kim? Mas klik kasi sa masa si Kim ‘pag nali­linya siya sa mga sexy comedy project. O ‘di nga ba, klik na klik sa televiewer ang sariling segment sa “Bubble Gang” na ‘Patikim ni Kim’.

Comments are closed.