DINGDONG DANTES GANADONG-GANADO SA SID & AYA

ANG latest movie ni Dingdong Dantes at Anne Curtis under the Viva Films banner, ang Sid & Aya (Not Asizzling bits Love Story), ay inihaha­lintulad ng nakararami sa Hollywood movie na Friends with Benefits.

But according to Dingdong, the inspiration has emanated from the movie’s director Irene Villamor.

“Hindi ko alam kung galing sa personal niyang buhay pero matagal na raw niyang pina-project ‘to,” said Dingdong at the presscon. “Matinding research din ang ginawa niya dahil years ago, pinag-uusapan na namin siya.”

“So in terms of inspiration, I think the closest inspiration is the book itself, ‘yung Black Swan.”

Ang librong tinutukoy ni Dingdong ay ang The Black Swan: The Impact of the Highly Improbable, na sinulat ni Nassim Nicholas Taleb.

ANNE CURTISAnyhow, marami ang naku-curious kung ano talaga ang kuwento ng Sid & Aya. Sa social media na lang, maraming nagtatanong kung multo raw ba si Anne Curtis?

Pero ano nga ba ang totoong kuwento nito?

Galing na rin kay Dingdong, tungkol daw ito sa dalawang taong naggagaguhan.

“Kaya hindi siya love story, kasi hindi siya siguro ‘yung story na may ending na kikiligin ka.”

Na-challenge raw si Dingdong dahil malayo ang pelikula sa totoo niyang pagkatao. Insomniac kasi ang character ni Sid.

“Isa ito sa mga character na malayo talaga sa akin,” he said in earnest. “Exciting siyang gampanan kasi malayo siya sa katotohanan.”

“Hindi naman siya outright na good guy.”

“Alam mo na flawed character, maraming pinagdadaanan. Maraming issues and then suddenly mababago ang buhay niya dahil sa isang Aya na makikilala niya.”

How is Anne as a work mate?

“Kasi, malaking bagay na magkasama kami twenty years ago,” he looked back. “Makikita mo ang growth niya. For one, nasa TV siya araw-araw.”

“Alam mo kung ano ‘yung pinanggalingan namin pareho, sa T.G.I.S., ‘yung ganoon. Makikita mo na hindi lang siya active everyday sa It’s Showtime, pero mahal din niya ang craft niya as an actress dahil nababasa ko rin ‘yung ginagawa niya sa Buy Bust.”

Katulad ni Anne, wala rin siya halos ginawang kasabay ng Sid & Aya.

“Nakikita mo kung paano siya mag-transition into character kasi, it’s effortless and parang natural yung flow.”

May kissing scene sila rito?

“Maraming scene, maraming magagandang scene. Lahat ng scene magaganda,” he ended the interview tinged with optimism about the film.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.