MALAKAS ang usap-usapan na sasali sana politika sa 2019 si Dingdong Dantes.
Noon pa inuudyukan ang actor mula nang maging aktibo siya sa Yes Pinoy Foundation na pinamunuan niya noong rehimen ng dating Pangulong NoynoyAquino kung saan kaliwa’t kanan ang activities niya at visible siya sa media.
Training ground ‘yun para sa actor sa pagtangka niya na pasukin ang politika sa darating na eleksiyon kung sakaling magdesisyon siya na seryosohin ang plano.
Sa grand presscon ng pelikula niya with Anne Curtis na Sid & Aya (Not A Love Story) ay ngingiti-ngiti lang siya. Walang diretsahang sagot kung sasali siya sa politika sa darating na 2019.
Kasi naman, papaano mo hindi pag-iisipan na seseryosohin ng actor na makisali sa politika kung balik-eskuwela si Dingdong.
Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Dingdong ng Masters in Public Management course sa Open University ng University of the Philippines na kadalasan pinag-aaralan ng mga may pagtatangkang maging lingkod bayan. Bukod sa UP masteral course niya ay dumalo rin siya sa isang leadership seminar dito sa bansa na facilitated ng Harvard University.
Papaano ka hindi magdududa na seryoso ang actor na pasukin ang politics dahil last March sa kanyang Instagram account na @dongdantes ay nag-post siya ng isang course guide ng Public Management 201: Theory and Practice of Public Administration.
May short explanation ang aktor tungkol sa three days course na kinuha niya recently sa Harvard University kung saan dito isinagawa sa Manila.
Ayon sa actor: “Isa siyang leadership course na dinala rito sa Pilipinas to accommodate ‘yung mga hindi makapunta doon. Parang it’s especially made for people in Asia, at ang Pilipinas ang isa sa pinuntahan nila. Nakahanap sila ng participants, it’s a basic leadership course na puwede mong ma-apply sa kahit anong industry.”
Sa katunayan, katatapos lang ng isang semester ni Dingdong para sa masteral course niya sa UP na aabot pa sa mahigit isang taon na pag-aaral bago matapos.
‘Pag nagkataon, si Dindong, hindi lang siya si Sid (karakter niya sa pelikula nila ni Anne Curtis) kundi puwede na natin abangan ang future senador ng bansa?
Noong Miyerkoles, Mayo 30 nagsimulang ipalabas ang pelikula nila ni Anne na personally, I love the film.
DALAGA NA TALAGA ANG BATANG SI JILLIAN WARD
THE last time na nakita ko siya ay sa isang event or party yata ‘yun na ipinakilala ng publicist-manager niya na si Joe Barrameda. Tulad ng pangkaraniwang bata ay makulit, bibo at maliksi si Jillian noon.
Now, ibang-iba na si Jillian. Hindi mo na nga siya makikilala dahil iba na nga ang itsura. Nakasuot ng salamin para sa nagsisimulang problema ng kanyang astigmatism.
Isa sa mga “teens” ng GMA Artists Center si Jillian na ngayon ay napapanood every Sunday sa GMA fantasy show na “Daig Kayo ng Lola Ko” na mala-Lola Basyang ang premise na bida ang veteran actress na si Gloria Romero. Isa si Jillian sa mga regular na lumalabas na teens ng show. “Every week po may ibang mga guest. Every week may ibang kuwento pero ako po, iyong role ko, isa sa mga apo ni Tita Gloria,” sabi ng dalaga sa amin.
“Dati po kasama ako sa Super Mom with Ate Marian (Rivera). Isa po ako doon sa mga Super Kids,” kuwento ng dalaga sa amin sa birthday party ng entertainment reporter na si Rommel Placente kamakailan.
Sa katunayan, nasa awkward stage ngayon si Jillian sa estado niya sa showbiz.
Hindi siya ma-classify na bata. Hindi rin siya ma-classify na dalaga na puwede hanapan ng ka-loveteam dahil sa alanganin niyang edad.
Pero bilib ako kay Jillian dahil sa kabila ng kabisihan niya sa trabaho bilang artista, never siya nag-skip ng kanyang home studies kung saan naka-enroll siya sa Westfield International Montessori sa Clark. Taga-Pampanga ang parents ng dalaga.
Comments are closed.