KAHIT nasa malayong location set ang GMA 7 Primetime King na si Dingdong Dantes ay nagagawa niyang makipag-video call sa mga anak.
Minsan ay nagulat si Zia sa kanyang ama, dahil sa naka-military uniform nang makita sa picture. Ani ni Dong sa anak, kasama lang daw ‘yun sa kanyang trabaho bilang isang artista, ang lumabas na sundalo.
Pero minsan ay napauwi si Dong ng naka-military uniform at muli nagtanong si Zia sa ama, bakit daw may soldier sa loob ng house nila at kung sundalo na ba ang kanyang ama?
Ani ni Dingdong, nabigla siya sa tanong ng anak at napaisip kung ano ang isasagot sa anak. Say na lang ni Dong kay Zia, nag-volunteer daw siyang maging sundalo kung kaya masasabi na rin na isa siyang soldier. At napangiti na lang si Zia kay Dong.
O, ‘di nga ba kamakailan lang ay naging enlisted marine force. At nitong nakaraang buwan ay na-promote si Dingdong bilang lieutenant commander ng Philippine Navy, mula sa pagiging master sargeant.
Simula Feb 10 ay mapanonood na ang “Descendants of the Sun” sa GMA 7 Primetime Bida, pagkatapos ng Anak ni Waray VS Anak ni Biday, sa direksyon ni Dominic Zapata.
MISS MANDALUYONG 2020 PAMBATO SA MISS MILLENNIAL NG EAT BULAGA
NAGBIGAY ng kanya-kanyang suporta ang bawat barangay sa Mandaluyong para sa 39 candidates na naglaban-laban para masungkit ang titulong Miss Mandaluyong 2020.
Ang mapalad na nahirang ngayong taon ay isang 24- year old beautiful lady from Brgy. Daang Bakal, Mandaluyong City na si Veronica Michaela Meneses.
Double celebration ito para sa bagong hirang na Miss Mandaluyong. Una, hindi inaasahan ni Veronica na siya ang magwawagi dahil sadyang naggagandahan ang mga kandidata ngayong taon. Sa halos mahigit na 100 kadalagahan ng Mandaluyong na nag-audition, 39 lang silang naging mapalad na official candidates.
Secondly, sa halos 2 dekada na ng taunang Miss Mandaluyong, first time para sa barangay nila na may nanalong kandidata.
Ang kanyang runners up ay binubuo nina 1st Runner Up Malka Shaver ng Brgy. Harapin ang Bukas, 2nd Runner Up Angelie Aubrey Asuncion ng Brgy. Buayang Bato, 3rd Runner Up Patrisha Kamille Gutierrez ng Brgy. Hulo at 4th Runner Up Iman Franchesca Cristal ng Brgy. Plainview.
Si Veronica rin ang magiging kandidata ng Mandaluyong City para naman sa Miss Millenial Philippines 2020 ng Eat Bulaga.