(Diokno kumpiyansa) PH ECONOMY TULOY ANG PAGLAGO SA 2024

INAASAHANG magpapatuloy ang matatag na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon sa likod ng private consumption at ng patuloy na pagpapatupad ng structural reforms, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

“While multilateral organizations project a slower global outlook for 2024 at 2.9 percent, the Philippine economy is expected to improve, reinforcing its status as one of the fastest-growing economies in the region,” sabi ni Diokno sa isang statement.

Ang Philippine economy ay lumago ng 5.9 percent ss third quarter ng 2023, na naghatid sa  year-to-date growth sa 5.5 percent.

Sinabi ni Diokno na para sa buong taon ng 2023, ang paglago ay inaasahang maitatala malapit sa low end ng  6 to 7-percent target ng pamahalaan.

Para sa 2024, inaasahan ng mga economic manager ang growth rate na 6.5 percent hanggang 7.5 percent.

“Amid the ongoing strong El Niño and geopolitical and trade tensions, the country’s growth is expected to be driven by strong private consumption, supported by the expected return of inflation within the target range, falling oil prices, robust public spending, greater investments lured by the country’s sound macroeconomic fundamentals, investment-grade credit rating, and the implementation of structural reforms, and increased demand for Philippine exports as supply chain bottlenecks ease,” ani Diokno.

Sinabi ni Diokno na mas magiging maganda pa ang economic prospects sa alignment ng mga polisiya sa pagitan ng  fiscal at  monetary authorities, mga hakbang na magpapababa sa inflation, at mas maigting na koordinasyon ng lahat ng public sectors para ipatupad ang mga  programa.

Idinagdag pa niya na inaasahan din ng multilateral organizations na ang Pilipinas ay magiging isa sa ‘fastest growing economies’ ngayong taon.

Ayon kay Diokno, ang paglago ngayong taon ay pabibilisin din ng reconstitution ng Economic Development Group (EDG), ng paglikha ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook, at ng pagpapatupad ng macroeconomic policies, partikular sa pagbuo ng Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).

Sa ilalim ng MTFF, target ng pamahalaan na mapababa pa ang fiscal deficit-to-gross domestic product (GDP) ratio sa 5.1 percent at ang debt-to-GDP ratio sa 60 percent.

Ang share ng infrastructure spending ay target din na mapanatili sa 5 hanggang 6 percent ng GDP.

“Navigating a post-pandemic world, the Philippines charts a steady course toward fiscal stability as we remain on track to achieving our fiscal targets,” sabi pa ni ­Diokno.

(PNA)