(Diokno sa Japanese banks) MAG-INVEST SA PH INFRA PROJECTS

infra

HINIKAYAT ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang mga Japanese bank na mag-invest sa infrastructure projects ng Pilipinas.

Si Diokno ay nakipagpulong sa mga kinatawan ng Japanese banks noong Oktubre 14 at ipinaalam sa mga ito ang investment opportunities sa Public Private Partnerships sa infrastructure flagship projects ng bansa.

Kabilang sa mga bangko na nakausap ng DOF ay ang Japan Bank for International Cooperation (JBIC), Mizuho Securities, at Nomura Holdings.

Ang mga bangko ay nagpahayag ng malaking interes sa pagsusulong ng investments sa RE, sustainable technology, infrastructure, at fixed-income instruments ng Pilipinas.

Ang pakikipagpulong sa Japanese financial institutions ay bahagi ng Philippines-Japan discussions kasunod ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Japan noong February 2023 at ng kamakailang high-level joint committee meeting sa infrastructure at economic cooperation sa Japan noong August 2023.

Ang Pilipinas ay naghahanap ng iba pang financiers para sa ilan sa flagship infrastructure projects nito makaraang mahinto ang pakikipag-usap nito sa Chinese banks.

Kabilang sa mga proyektong popondohan sana ng Chinese banks ay ang konstruksiyon ng Bicol Express train at ang Subic-Clark Railway and Mindanao Railway.