ISA sa mga homegrown talent na inaasahang magbibigay ng karangalan sa bansa sa 2021 Southeast Asian Games ay si Harry Mark Diones, ang kasalukuyang hari sa long jump at triple jump.
Itataya ni Diones ang kanyang ipinagmamalaking credential at kumpiyansa ang Bicolano na taga-Camarines Sur na mananalo sa biennial meet na gaganapin sa Vietnam.
Hawak ni Diones ang personal best at Philippine record na 16.70 meters sa triple jump na kanyang naitala sa nakaraang National Invitational Athletics kung saan binura niya ang kanyang lumang marka na 16.29 meters.
Sa kabila na kaya niyang manalo, nanatiling mapagkumbaba si Diones at sinabing gagawin niya ang lahat para muling bigyan ng karangalan ang bansa at pasaayahin ang kanyang mga kababayan.
“Pupunta ako sa Vietnam na iisa ang mission — manalo ng ginto. ‘Yan ang goal ko at wala nang iba,” wika ni Diones na bakas sa mukha ang determinasyong manalo sa una niyang pagpunta sa Vietnam.
Muling gagabayan ni coach George Noel Posadas si Diones at kumpiyansa rin ang multi-awarded track and field tactician na mananalo ang kanyang alaga na hinasa, hinubog at pinagaling sa Jose Rizal University sa NCAA kung saan itinanghal ang Bicolano na back-to-back MVP sa long jump at triple jump.
“Diones is our top bet in long jump and triple jump. I firmly believe he will do it no matter how tough and difficult the opposition is,” sabi ni Posadas, asawa ni track legend at long jump queen Elma Muros-Posadas. CLYDE MARIANO
Comments are closed.