DIREK CATHY GARCIA MOLINA HANGA SA GALING UMARTE NI ALDEN RICHARDS

RAIN or shine ay tuloy pa rin ang shooting nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Hong Kong.hotshots

Sa video, naglabasan sa Twitter gamit ang hashtag na title ng movies na “Hello, Love, Goodbye” ay nagmistulang fiesta ang fans sa pano­nood.

May video si Joross Gamboa na nagpapakita ng crowd na nanonood sa shooting na sobrang i­ngay sa tuwa dahil pinayagan silang manood.

Sa Twitter account na Entertainment Uptake, may quotation si direk Cathy Garcia-Molina ng paghanga sa husay at ga­ling sa pag-arte ni Alden.

“Mata pa lang na­ngungusap na. ‘Di kami nagkamali na kunin ang serbisyo niya. At super bait na bata. Wala akong masabi,” bahagi ng pahayag ni Direk kay Alden.

MATTEO GUIDICELLI ISA NANG RESERVED PA

Matteo GuidicelliISA nang sundalo si Matteo Guidicelli dahil sumali na siya bilang isang reserved sa Phi­lippine Army kung pagbabasehan ang kanyang  Instagram post.

Ipinost niya ang larawan habang nanunumpa siya at sinabi niya sa caption, opisyal na siyang miyembro ng Philippine Army.

“I  officially joined the Philippine Army today because I love my country. I would like to thank the people that have been very supportive. Exciting times ahead.

“The  rank is emplaced near their heart because it means only those who have the heart to serve will be fit to wear the uniform,” MGen. Bernie Langub said. “It  is beyond the uniform, it is all about willingness to serve the country and being prepared  for any eventuality,” ang caption ni Matteo.

Sa larawan ay makikita rin si Matteo na naka-military uniform. Proud na proud naman ang kanyang fans at pinuri ang kanyang katapangan at pag-mamahal sa bayan.

Hindi lang namin alam kung proud din si Sarah Geronimo sa ginawang pagsanib ni Matteo sa Philippine Army.

Hindi kaya pangamba ang maramdaman ni Sarah para sa minamahal na boyfriend?

SAM MILBY ISINUGOD SA OSPITAL

KAMAKAILAN lang ay isinugod si Sam Milby sa emergency room ng St. Luke`s Hospital dahil sa matin­ding pananakit ng tiyan. That time pa naman ay may media event para sa kanilang teleseryeng Halik nina Jericho Rosales, Yen Santos at Yam Concepcion. Kaya kahit ayaw niya ay hindi nito natapos ang naturang presscon ng kanilang serye.

Sa ospital ay na-diagnose na may stomach flu pala si Sam kaya matindi ang sakit ng kanyang tiyan. Nakaranas ito ng abdominal  cramps, vomiting, fever at body  aches. Kaya ganoon na lang ang pagkabahala ng mga taong nagmamahal sa actor.

Gusto ng doctor na ipa-admit na raw ang actor sa ospital para mas ma­tingnan nang mabuti pero nakiusap ang handler ni Sam na kung puwede raw ay pagkatapos na lang ng taping  nito dahil importante raw ang mga eksena ng actor na dapat kunan.

Ginawan ng paraan ng production ng Halik ang lahat para maaga itong matapos at makabalik ng ospital. Pero importante pa rin daw ang kalusugan at kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa set. Kung sakali raw talaga na hindi kayanin ni Sam ang makapag-taping ay kanilang maiintindihan.

Dahil isang professional actor si Sam ay tinapos nito ang lahat ng kanyang eksena kahit na nanghihina na ito. Ayaw raw kasi mangyari ni Sam na siya ang maging cause of delay ng taping, lalo`t  malapit nang matapos ang kanilang serye.

Nang matapos na nga ang lahat ng eksena ni Sam ay binalik na siya sa ospital para ituloy na ang obserbasyon sa kanyang karamdaman.

Comments are closed.