DIREK TOTO NATIVIDAD NILAYASAN SI COCO, LUMIPAT KINA DINGDONG AT DENNIS

toto natividad

NILAGYAN kaagad ng isyu ang paglipat ng action director na si Toto Natividad sa bagong serye ninahotshots Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Si Direk Toto kasi ang director ng ser­yeng “Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa totoo lang ay wala raw naging problema sa pagiging guest director ni direk Toto sa teleserye na “Cain at Abel” kahit na ga­ling siya sa pagdidirek ng “Ang Probinsiyano” na magiging katapat nga ng serye nina Dingdong at Dennis.

Ayon kay Direk Toto, pumirma raw siya ng release contract sa ABS-CBN kaya walang problema at maayos ang pag-alis niya sa serye ni Coco.

“Maayos akong nagpaalam sa kanila. Tatlong taon na rin ‘yung show na iyon at gusto ko naman i-share ang mga nalalaman ko sa bagong show na ito ng GMA 7,” nakangiting say ni Direk Toto nang makausap ng press sa ginanap na grand presscon ng “Cain at Abel.”

Masaya at natutuwa si Direk Toto dahil first time niyang makatatrabaho sina Dingdong at Dennis na iti­nuturing na dalawang hari ng Kapuso Network.

“Maraming bago na mapanonood sa Cain at Abel. Nakikita ko naman sa dalawang  lead actors na ready sila sa mga mabibigat na eksena. They are both physically and mentally prepared.

“At the same time ay masaya ako na makatrabaho sila sa bagong maaksiyon na teleserye,” pagdidiin ni Direk Toto Natividad.

Ayaw nang sagutin ni Direk Toto ang tunay na dahilan ng pag-alis niyang director sa serye ni Coco (if ever kung mayroon nga bang dahilan).

“Ang importante ay nandito tayo sa ‘Cain at Abel’ at pinagkakatiwalaan nila ang kakayahan ko bilang isang director,” pagtatapos ni Direk Toto na paboritong action director nina Bong Revilla, Lito Lapid, Eddie Garcia, Phillip Salvador, Cesar Montano at ang yumaong si Rudy Fernandez.

Iba kasi ang dating at execution ng isang barakong director sa mga maak­siyong eksena at maging sa kissing at love scene kung kailangan ng isang serye o pelikula.

Sabi nga ng  followers at tagahanga ni Direk Toto na, “hindi ka mabibitin sa mga eksenang action at maging sa romansahan. Talagang mararamdaman mo ang bawat eksena o anggulo ni Direk.”

DINGDONG HINALINTULAD ANG BAGONG SERYE SA ISANG NANGANGANAK     

dingdongINIHALINTULAD ni Dingdong Dantes ang Cain at Abel nila ni Dennis sa isang nanganganak na gusto mong malaman kung ano ang magiging anak at reaction ng mga manonood sa kanilang te­leserye.

“Parang panganganak  `yan, eh. Gusto mong ma­kita ‘yung produkto,” say ni Dingdong.

Sa trailer pa lang ay makikita na nga na hitik na hitik ito sa action, lalo pa nga at isang mahusay at magaling na action director ang kinuha ng production team na si Direk Toto Natividad.

Pero ayon kay Dingdong, more on drama raw talaga ang material ng “Cain at Abel.”

“Drama talaga siya. Isa siyang solid na buong-buong kuwento ng isang pamilya, lalong-lalo na ng dalawang magkapatid na maghihiwalay ng landas.

“So, the action is just incidental. Pero ang talagang core ng istorya ang aabangan dito. In fact, ‘yun  ‘yung isa sa mga dahilan na na-excite akong tanggapin itong proyekto, bukod sa fact na kasama ko rito ay si Dennis Trillo,” pahayag pa ni Dingdong.

Sabi naman ni Dennis, bukod sa makakasama niya si Dingdong , what also excites him ay ngayon lang siya ulit gagawa ng action/drama.

“Bukod sa makakatrabaho, ‘yung project  mismo exciting siya dahil ngayon lang ako ulit gagawa ng action/drama sa TV. ‘Yung makasali ako sa show na ito, makatrabaho ulit si Dingdong at siyempre ‘yung buong kuwento, malaking project siya talaga kaya masaya ako na part ako ng programa,” say ni Dennis.

Comments are closed.