TINAMAAN ng minor data breach ang Department of Information and Communications Technology o DICT na nakaapekto sa isang sistema, partikular na ang Disaster Risk Reduction Management Division.
Ayon kay DICT Spokesperson Assistant Secretary Renato Aboy Paraiso, na-monitor ang breach kahapon at agad din itong inaksiyunan.
Wala naman aniyang sensitibong data ang nakompromiso sa naturang breach dahil ito ay isang external system na hindi naman konektado sa central system ng DICT.
Wala rin aniyang malaking data ang naka-store sa sistema maliban na lang sa data ng ilang empleyado ng naapektuhang unit at government assets.
Nag-abiso naman na ang DICT sa National Privacy Commission hinggil sa data breach.
Sa ngayon, puspusan ang ginagawang hakbang ng DICT para mapahusay pa ang cybersecurity ng ahensiya ay masigurong hindi na maulit pa ang breach na ito.
PAULA ANTOLIN