DISKUWENTO SA BUSINESS PERMIT

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na pinalawig nito hanggang Enero 31 ang pagbibigay ng special discount sa lahat ng mga magre-renew ng business permits sa lungsod.

Ayon kay Moreno, ang renewal ay maaring gawin sa mga itinakdang lugar sa SM Manila sa harap City Hall kung saan nagsimula ng magproseso noon pang unang linggo ng Enero.

Ani Moreno, isang si business permit and licensing office chief Levi Facundo sa pagtatatag ng Business One Stop Shop (BOSS) ang itinatag sa 4th Floor level ng SM Manila para maayos, maluwag at aircondition ang isasagawang pag-transact ng business owners.

Maaaring pumunta ang mga business owner mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-7 ng umaga hanggang 5 ng hapon at alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon naman tuwing Sabado.

Ayok kay Moreno, makakakuha pa rin 10% discount ang mga business owner mula sa lungsod kung sila ay magre-renew ng kanilang business permits hanggang Enero 31 mula sa dating deadline na Enero 20.

Gayundin, hinikayat ni Moreno ang mga establishment owner na magbayad online sa pamamagitan ng GoManila app upang maiiwasan ang posibleng exposure sa COVID-19 dahil hindi na sila kaila­ngan pang lumabas ng kanilang bahay at maaari ng magba­yad kahit na anong oras. VERLIN RUIZ

TAX PAYMENT
SA PASAY
PINALAWIG

PINAGTIBAY ng Pasay City Council ang isang ordinansa na nagpapalawig sa pagbabayad ng business taxes ng hanggang Pebrero 5 nang walang kaukulang interes, surcharge o penalty upang makatulong sa mga negosyo sa lungsod na makabangon sa perwisyo na idinulot ng COVID-19 gayundin upang maibalik ang sigla ng ekonomiya sa bansa na naayon sa batas, panuntunan at regulasyon.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang pagpapalawig sa pagbabayad ng business taxes ay inilatag ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng importansiya ang sektor ng negosyo lalung-lalo na ang mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) na bumubuo ng ekonomiya sa lungsod na nangangailangan ng suporta.

Ang nasabing ordinansa ay inaprubahan ng mga miyembro ng Konseho noong Enero 18.
Matatandaan na ini­lunsad ng lokal na pamahalaan noong nakaraang Disyembre 7 ang online system para sa renewal ng business permits na maaari ring magamit ng mga bagong business applicant sa pamamagitan ng paggamit ng Pasay E -Business Go Live na magbibigay ng contactless processing ng mga permit upang mabawasan ang harapang transaksiyon sa mga empleyado ng city hall sa pagpoproseso ng kani-kanilang permit na isa sa nagiging dahilan ng pagkalat ng CO­VID-19. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.