TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na nakaalalay sila ngayon sa mga guro, school personnel at mga magulang
na magtutungo sa bawat paaralan para sa pagsisimula ng distance learning.
Ayon kay PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan, bagaman hindi naman daragsa ang mga guro at estudyante sa mga paaralan ngayong araw dahil distance learning sa anyo ng online class ang pamamaraan ng pag-aaral, inaasahan pa rin na may mga magtutungo sa mga paaralan.
Sinabi ng heneral na may mga guro pa rin na posibleng magtungo sa paaralan para sa kanilang ipamamahaging learning module o maaaring naroon ang kanilang kagamitan sa pagtuturo.
Inaasahan ang pagdagsa sa mga paaralan partikular ang mga magulang na kukuha ng module para sa kanilang mga anak.
Kaya naman para matiyak ang kaligtasan ng mga ito, ayon kay Cascolan ay kanilang pinaigting ang police visibility habang habang may-roon ding assistance centers sa mga istratehikong lugar at paaralan.
“Expect natin na may dagdag ng volume na magtutungo sa mga paaralan kahit pa distance learning dahil tiyak na may kailangan silang ku-nin, kaya naman kami sa PNP ay nais naming matiyak ang kaligtasan ng ating mga guro at iba pa,” ayon kay Cascolan.
Paglilinaw naman ni Cascolan na hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa, nakahanda ang may 210,000 pulis para sa muling pagbabalik eskuwela ng mga estudyante. EUNICE C/ VERLIN RUIZ
Comments are closed.