DND AT PNP LUMAGDA SA “WALL OF PEACE” SA PAGGUNITA NG NATIONAL PEACE CONSCIOUSNESS MONTH

LUMAGDA sa “Wall of Peace” si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isinagawa ng PArmed Forces of the Philippines (AFP) na Peace Symposium kahapon sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Kasama ng PNP Chief na lumagda sa “wall of peace” si Presidential Assistant Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) at Assistant Secretary Ria Daniella Lumapas na kumatawan kay Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Gen. Acorda ang buong supporta ng PNP sa prosesong pangkapayapaan.

Sinabi ng PNP Chief na “united” ang PNP sa “peace building efforts” ng AFP, na naayon sa kanyang programang “serbisyong nagkakaisa”.

Nagpasalamat din si Gen. Acorda sa lahat ng stakeholders sa pagsulong ng kapayapaan, kasabay ng pagbibigay diin na ang kapayapaan ay responsibilidad ng lahat ng mamayan.

Ginagarantiyahan naman ni Defense Sec. Gilberto C. Teodoro, Jr., ang pangako ng kagawaran at AFP)na pagsuporta sa Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa gaganaping barangay elections sa darating na Oktubre 30, 2023.

“We pledge to work closely with the COMELEC in ensuring that this election is a success. Kapag hindi po successful itong Barangay Elections na ito na sinasabi na nga po natin ay foundational, sisiklab na naman ang internal instability natin, madidistract na naman ang AFP, for that matter, and even the Coast Guard, for what we need to do,” pahayag ni Teodoro kasunod ng paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ng DND at ng COMELEC’s Committee on Kontra Bigay.

“Hindi sana masira ang tiwala ninyo at ng taong bayan sa inyong Department of National Defense at Sandatahang Lakas ng Pilipinas, anang kalihim.” VERLIN RUIZ