CAMP AGUINALDO – IPINAG-UTOS ng Department Of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na imbestigahan ang 13,000 bala na nasabat ng pulisya sa Valenzuela City.
“We’ll investigate how these ammo ended up in the wrong hands,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Una nang sinabi ni NP NCRPO Director Guillermo Eleazar ang matagumpay nilang law enforcement operation laban sa mga illegal arms dealer na pinaniniwalaang nagsusuply ng mga baril at bala sa domestic threat groups at private armed groups.
Matapos ang mahigit isang linggong surveillance operation ng Regional Special Operations Unit at Regional intelligence Division NCRPO sa Valenzuela City ay nagbunga ito ng pagkakadakip sa mag asawang sina Edgardo at Rosemarie Medel ng Land-ville Subdivision, Barangay Pambuan, Gapan, Nueva Ecija.
Alas-6:30 ng gabi, nakorner ang isang service station sa NLEX, dumating ang mag asawa sakay ng van na may plate number REV-675 at naisakatuparan ang bilihan at nang tanggapin ang P1.2 milyon marked money mula sa dawalang babaeng pulis na nagpanggap na gagamitin ang mga bala sa darating na eleksiyon.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang assault rifles, handgun at 12,893 rounds ng live ammunition para sa M-60 light machine gun at M-16 assault rifle. VERLIN RUIZ
Comments are closed.