Laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
6 p.m. – Magnolia vs Meralco
(Game 5, best-of-five semis)
PAG-AAGAWAN ng Magnolia Pambansang Manok at Meralco ang karapatang makasagupa ang Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup best-of-seven finals sa kanilang semifinal do-or-die Game 5 ngayong Biyernes sa Araneta Coliseum.
Para sa Bolts, ang ika-4 na pagtatangka sa mailap na titulo sa import-flavored conference at ang posibleng payback laban sa kanilang three-time tormentors ang naghihintay kung mamamayani sa 6 p.m. rubbermatch.
Para naman sa Hotshots, isang blockbuster Manila Clasico finale at tsansang makabalik sa trono matapos ang kanilang tagumpay sa 2018 Governors’ Cup ang nakahihikayat na pabuya para sa panibagong 48 minutong sagupaan kontra Bolts.
“We’re ready, physically and mentally, for Game 5,” sabi ni Magnolia coach Chito Victolero, na inaasahan ang isa na namang hitik sa aksiyong showdown sa tropa ni Meralco mentor Norman Black.
“It’s a do-or-die so we expect a very physical game. We just have to have the proper mindset and mental toughness on both ends if we want to succeed,” dagdag pa niya.
Naniniwala si Black na nabigo ang Bolts na pantayan ang lakas ng Hotshots nang una nilang tangkaing tapusin ang serye sa Game 4.
“They played with a lot more energy than us,” sabi ni Black, tinukoy na halimbawa ang 57-40 bentahe ng Hotshots sa rebounding noong Miyerkoles, kabilang ang 15-10 kalamangan sa offensive glass.
“The fact that they dominated the rebounds, really got a lot of offensive rebounds off of us, showed they were very aggressive. We’ve been doing a really good job of rebounding in this conference but in Game 4, we got dominated on the boards and that’s something we have to fix before Friday.”
Isa sa pangunahing alalahanin ni Black ang health condition ni ace guard Chris Banchero. Ang bayani ng Meralco sa Game 3, si Banchero ay naglaro lamang ng halos 18 minuto at tumapos na may 7 points sanhi ng back spasm at chess issues.
“I’m hoping that Thursday’s break will give him a chance to heal up and be able to come back on Friday,” ani Black.
Hindi rin 100 percent si Magnolia gunner Paul Lee. Lumala ang dating ankle sprain ni Lee noong Miyerkoles, ngunit hindi tulad ni Banchero ay nakabalik siya sa aksiyon at umiskor ng 17 points sa Game 4.
“Malaking bagay para sa amin si Paul; sana maka-recover siya in time for Friday,” ani Victolero. CLYDE MARIANO