Laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4 p.m. – Letran vs SSC-R (Men Step-ladder)
SISIKAPIN ng Letran at San Sebastian na mapanatiling buhay ang kanilang season sa pagsisimula ng NCAA men’s basketball step-ladder semifinals ngayon sa Cuneta Astrodome.
Ang magwawagi sa 4 p.m. match ay makakasagupa ng No. 2 Lyceum of the Philippines University sa isa pang knockout duel sa Biyernes.
Dumiretso ang four-peat seeking San Beda sa championship round makaraang walisin ang lahat ng kanilang 18 games sa double-round eliminations. Magsisimula ang best-of-three series sa susunod na Martes sa Mall of Asia Arena.
Na-split ng Knights at Stags ang kanilang elimination round head-to-head.
Wala si coach Egay Macaraya, na nagsilbi ng one-game suspension at na-foul out ang kanilang ace guard na si RK Ilagan, naungusan ng San Sebastian ang Letran, 102-101, sa overtime noong nakaraang Agosto 20.
Gumanti ang Knights pagkalipas ng isang buwan sa pamamagitan ng 99-82 pagbasura sa Stags.
Ang Letran ay nasa kanilang ikalawang sunod na Final Four appearance bilang third-ranked team, habang balik-semifinals ang San Sebastian makaraang masibak noong nakaraang taon.
Nais ni Jerrick Balanza, na kasama si Christian Balagasay ay tanging natitira sa 2015 Knights champion team, na matikas na tapusin ang kanyang collegiate career.
Ang tanging hangad ni Balanza ay ang maibalik ang Letran sa Finals at maibalik ang dati nitong glorya, kasama sina fellow senior Bonbon Batiller at big man Larry Muyang.
Sasandal naman ang Stags sa kanilang top guns na sina Ilagan at Allyn Bulanadi.
Nagpasabog si Bulanadi ng season-high 44 points nang pataubin ng San Sebastian ang University of Perpetual Help System Dalta, 99-94, sa panalo na naging clincher para sa nalalabing semis spot, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Comments are closed.