DO-OR-DIE SA E-PAINTERS, HOTSHOTS

Laro ngayon:
(Ynares Center Antipolo)
7:30 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia

MAGSASAGUPA ang Rain or Shine at Magnolia sa do-or-die Game 5 sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup ngayong Sabado sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Nakatakda ang laro sa alas-7:30 ng gabi kung saan ang mananalo ay uusad sa semifinals kontra titleholder TNT Tropang Giga.

Ang kill-or-be-killed setto ang tutuldok sa mainit na bakbakan ng dalawang koponan, kung saan namayani ang Rain or Shine sa Games 1 (109-105) at 3 (111-106) at rumesbak ang Magnolia sa Games 2 (121-69) at 4 (129-100).

Itinuturing ng dalawang koponan ang decider bilang “test of character and resiliency” para sa kanilang players.

“‘Yung experience of playing a Game 5, of being in a winner-take-all situation, sa akin, kasama na ng build up ‘yun.

We’re always getting better every playoff game that we played,” sabi ni ROS coach Yeng Guiao.

Nahaharap sa 1-2 deficit papasok sa Game 4, ang Hotshots ay nakapasa sa initial test na may flying colors at kahit wala si injury-hit Zav Lucero.

“(I’m) thankful to the players because of the mindset and the focus. Nandoon sa board ko sa pregame, it’s all about believing. In order for us to win the war, we need to grind for 53 minutes. I think my players were so focused and they wanted to have another chance,” ani Magnolia coach Chito Victolero.

Ang posibleng pagbabalik ni Lucero ay magbibigay sa Magnolia ng karagdagang lakas sa inaasahang umaatikabong bakbakan.

Subalit maaari itong maging isang “test of will and determination” para sa parehong koponan.

At posibleng higit na maging pisikal ang laro.

“Kailangan mas prepared kami for a very physical game,” pahayag ni Guiao, pinuna kung paano naglaro nang pisikal ang Hotshots sa huling laro.

“On our end, siguro kailangan kaming mag step up in terms of being a little bit more aggressive defensively and medyo yung transition game namin, yung running game namin, I don’t know if we’re tired or we’re a little slower or not able to get into the pace that we would usually be playing.” CLYDE MARIANO