TINIYAK kahapon ng Malakanyang na dodoblehin ang internet capacity sa buong bansa.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ginanap na press briefing sa Mt. Province State Polytechnic College kung saan sinabi niya na isasakatuparan ito sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
“It will double the infrastructure of internet in the Philippines. Likewise, we are also taking advantage or using the NGCP — ‘yung National Grid Corporation of the Philippines, ‘yung facilities nila para doon isakay rin ang imprastruktura ng internet,” sabi ni Roque.
Ayon pa kay Roque, ang naturang proyekto ay alinsunod sa batas na nagbibigay ng free internet connectivity kung saan isa siya sa mga nagsulong nito noong nasa Kongreso pa siya, na tinatayang aabutin ng tatlong taon ang complete implementation nito.
Sa ngayon, aniya, ay prayoridad ng gobyerno na mabigyan ng libreng internet access ang lahat ng mga pampublikong paaralan at unibersidad sa bansa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.