DOE NANINDIGAN SA ‘UNBUNDLING’ NG PRESYO NG LANGIS

DOE-DIESEL

NANINDIGAN ang Department of Energy (DOE) sa kanilang position na nagtatalaga sa oil companies na mag-“unbundle” o isiwalat ang detalye kung paano tumataas ang presyo ng petrolyo at ang adjustment nito.

Sa isang panayam sa sidelines ng 7th Phi­lippine Electric Vehicle Summit na ginanap sa Pasay City kamakailan, sinabi ni Energy Assistant Secretary Leonido Pulido III na “asking of information” o pagtatanong kung paano ang presyo kada litro ng langis ay nada­dagdagan o nababawasan ay hindi naman “form of regulation.”

“The asking of information, not it’s dissemination, but just the asking of information is expressedly authorized in the Oil Deregulation law. It is in no way, a form of regulation,” sabi ni Pulido.

“The Taguig City Regional Trial Court Branch 70 issued a temporary restraining order (TRO) against the DOE’s Department Circular No. DC2019-05-0008 or the “Revised Guidelines for the Monitoring of Prices on the Sale of Petroleum Products by the Downstream Oil Industry in the Philippines,” dagdag pa niya.

Nagsimula ang TRO mula sa isang reklamo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. noong nakaraang buwan. Nakipagdiskus­yon ang oil companies na ang circular ay nangu­ngunang industriya para sa regulasyon.

Ang Shell ay mi­yembro ng Philippine Institute of Petroleum Inc. (PIP), na naglatag ng “Petition for Declaratory Relief with Application for a Tem-porary Restraining Order and/or Preliminary Injunction.”

Maliban sa Shell, kabilang sa PIP count na miyembro ang Chevron Philippines Inc., Isla LPG Corp., Petron Corp., PTT Philippines Corp., at Total Philippines Corp.

Ang DOE circular ay may mandato sa oil companies na mag-“unbundle” o magbigay sa DOE ng detalyadong kuwenta at katumbas na paliwanag at mga dokumento kung bakit ang presyo ng produkto ng petrolyo ay dapat pabago-bago. Karaniwan may adjustment ang mga kompanya ng langis linggo-linggo, kalimitan sa araw ng Martes base sa galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Tungkol naman sa TRO at ibang kaso laban sa circular, sinabi ni Pulido na nakikipagpulong ngayon ang DOE sa Office of the Solicitor General kung praktikal na magharap ng mosyon para sa rekonsiderasyon o maghintay na lamang na ito ay matapos.

Sinabi niya na ang DOE at OSG ay mag­dedesisyon sa loob ng isang linggo kung anong legal na aksiyon ito hahantong tungkol sa kaso na iniharap laban sa pagpapatupad ng “unbundling” circular.

Comments are closed.