SA KABILA ng apat na su- nod na araw na pagnipis ng power reserves ngayong bu- wan, ang Luzon grid ay hindi makararanas ng brownouts ngayong tag-init, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sinabi ni Energy Undersecretary at spokesperson Felix William Fuentebella na wala silang nakikitang power interruption base sa supply kahit may yellow alert.
“Magkakaroon tayo ng sapat na supply ng koryente,” wika ni Fuentebella.
Ginawa ni Fuentebella ang pahayag matapos ang apat na sunod na pag-iisyu ng yellow alerts para sa Luzon grid dahil sa pagnipis ng power reserves sanhi ng wala sa planong shutdown ng ilang power plants at ng pagtaas ng demand sa gitna ng dry season.
Ang yellow alert ay iniisyu kapag bumaba ang reserve power sa required level.
Inilalarawan din ng National Grid Corporation of the Philippines ang yellow alert bilang isang kondisyon kung saan ang reserves ay mas mababa sa kapasidad ng pinakamalaking planta online, na 647 megawatts para sa Lu-zon.
Ang alerto, gayunman, ay hindi nangangahulugan na magkakaroon ng power outages.
Subalit ang pagnipis ng reserves ay nag-uudyok ng pagtaas ng electricity prices sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), ayon kay Independent Electricity Market Operator of Philip-pines (IEMOP) assistant manager Andrea May Caguete.
“Normally kapag bumaba ‘yung supply-demand margin natin, tumataas ang prices ng koryente,” ani Caguete.
Nauna rito ay sinabi ng DOE na nais nitong umiwas sa pag-iisyu ng yellow alerts dahil kabilang, ani-ya, ito sa mga dahilan ng pagbabago-bago ng presyo sa WESM.
Comments are closed.