(DOF chief sa British firms) MAG-INVEST SA PINAS

HINIKAYAT ni Finance Secretary Ralph Recto ang top British companies na mag-invest sa Pilipinas, binigyang-diin ang mutually beneficial partnerships na nagbibigay ng benepisyo kapwa sa mga investor at sa long-term development goals ng bansa, kabilang ang poverty reduction.

Si Recto, kasama ang iba pang senior officials ng Philippine government, ay nakipagpulong sa mga executive ng mga kompanya, kabilang ang BP Plc, Actis, Global Infrastructure Partners, Investcorp, Alexander Mann Solutions, at Revolut sa Philippine Economic Briefing sa London mula Oct. 29 hanggang 30.

“We are very confident that our meetings left British investors with no doubt about the predictability, stability, profitability, and sustainability of doing business in the Philippines,” ani Recto.

Umaasa si Recto na ang potential ventures na ito ay hindi lamang magbibigay benepisyo sa foreign investors financially kundi mag-aambag din sa layunin ng Pilipinas na mabawasan ang kahirapan at mapalago ang ekonomiya.

“And I trust that our dialogues here will open the floodgates of more opportunities for mutually beneficial partnerships – ventures that will not only help them make more money but also enable the Philippines to reduce poverty to single digits and secure a brighter future for every Filipino,” aniya.

Layon ng Philippine delegation na mapalakas ang foreign investment sa key sectors, tulad ng infrastructure, renewable energy, at digital services.

Ang Actis, isang global investment firm na nakatuon sa energy, infrastructure, at real estate, ay nag-invest kamakailan ng USD600 million para sa 40-percent stake sa Solar Philippines New Energy Corp. ng Meralco upang magtayo ng Terra Solar, na nakatakdang maging world’s largest integrated renewable energy at storage project.

Ang BP Plc, isang global energy giant, ay nag-o-operate sa Pilipinas sa pamamagitan ng Castrol subsidiary nito, na nagdi-distribute ng automotive lubricants, habang ang infrastructure investment fund Global Infrastructure Partners ang namamahala sa USD170 billion na assets sa energy, transport, at water sectors.

Ang Investcorp ay may specialization sa private equity at alternative investment products, habang ang Alexander Mann Solutions ay nagkakaloob ng talent acquisition services at may major offshore delivery center sa Pilipinas.

Ang Revolut, isang kilalang UK fintech company at digital bank, ay nag-o-operate din sa ilang Asian markets.

Ang delegasyon ay nakipagpulong din sa British International Investment, na siyang development finance institution ng UK, gayundin sa UK Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business Council, na nagkakawing sa UK public at private sectors sa kanilang ASEAN counterparts upang isulong ang two-way trade at investment.

Nakasama ni Recto sina Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go, National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, Department of Energy Secretary Raphael Lotilla, at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Francisco Dakila Jr.

Bahagi rin ng delegasyon sina Bases Conversion and Development Authority President and CEO Joshua Bingcang; Philippine Economic Zone Authority Director General Tereso Panga; Clark Development Corp. President and CEO Agnes Devanadera; Land Bank of the Philippines President and CEO Ma. Lynette Ortiz; at Government Service Insurance System President and General Manager Jose Arnulfo Veloso.
ULAT MULA SA PNA