DOH TULOY ANG PAGTUTUROK NG ASTRAZENECA

ASTRAZENECA

IPAGPAPATULOY na ng pamahalaan ang pagtuturok ng Oxford AstraZeneca vaccine para sa lahat ng eligible population sa bansa.

Ito ang inianunsiyo ng Department of Health (DOH) kahapon, kasunod na rin ng rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA) at ng DOH All Experts Group on Vaccines.

Nauna rito, ipinasya ng DOH na itigil muna ang paggamit ng AstraZeneca para sa mga indibidwal na nasa 60-taong gulang pababa, base na rin sa rekomendasyon ng FDA, matapos ang mga ulat na maaari itong magresulta sa Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT).

Nabatid na ang VITT ay isang ‘very rare condition’ ng blood clots na may kinalaman sa mababang platelet counts na nagaganap, apat hanggang 28-araw matapos na matanggap ang isang viral vector vaccine gaya ng AstraZeneca.

Matapos naman ang talakayan sa DOH All Experts Group at sa Philippine College of Hematology and Transfusion Medicine (PCHTM), nagkaroon ng konklusyon na sa kasalukuyan ay wala pang tukoy na risk factors para sa VITT at ang benepisyo nang pagtanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ay mas matimbang pa rin sa risk o panganib nito.

Gayunman, magpapatupad pa rin umano sila ng mga ispesipikong guidelines at mga pamamaraan upang ma-mitigate o mapagaan ang posibleng panganib nito.

Nilinaw rin naman ng DOH na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa namang anumang lokal na VITT events na nakumpirma ang FDA at ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC) sa bansa.

Inihayag din ng DOH na napapanahon ang pagpapatuloy ng pagbabakuna ng AstraZeneca at pag-iisyu ng guidelines para rito dahil may dalawang milyong AstraZeneca vaccine ang inaasahang darating sa bansa sa buwang ito.

Samantala, hinikayat ng DOH ang publiko na magpaturok na ng second dose ng COVID-19 vaccines.

Binigyang-diin ng DOH na ang benepisyo ng karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19 ay maaari lamang makamit kung nakumpleto na ang dalawang dose nito.

Patuloy rin  ang paalala ng DOH sa publiko, na kahit nabakunahan na sila, ay ipagpatuloy ang istriktong pagtalima sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan upang tuluyan nang maputol ang hawahan ng COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

7 thoughts on “DOH TULOY ANG PAGTUTUROK NG ASTRAZENECA”

  1. 961630 82566Most suitable boyfriend speeches, or else toasts. are almost always transported eventually through the entire wedding party and are still required to be extremely intriguing, amusing and even enlightening together. greatest mans speech 831320

  2. 9008 217857I just couldnt go away your website before suggesting that I truly enjoyed the regular data an individual provide on your visitors? Is gonna be back regularly so that you can inspect new posts. 370966

  3. 648909 609382This really is a very good topic to speak about. Normally when I locate stuff like this I stumble it. This post probably wont do well with that crowd. I is going to be certain to submit something else though. 140253

  4. 642082 861521Hello there! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 340798

  5. 565272 288550Id really should talk to you here. Which is not some thing I do! I quite like reading a post which will make men and women believe. Also, several thanks permitting me to comment! 458284

Comments are closed.