MAYNILA – PINAG-IINGAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko sa mga ‘too good to be true’ o malayo sa katotohanan na mga alok na trabaho sa ibang bansa.
Kasunod ito ng ulat na nagkakaroon umano ng demand para sa 700 mushroom pickers sa Canada kung saan makatatanggap sila ng P150,000 kada buwang suweldo.
Sa ulat ni Labor Attaché I-designate Celeste Marie Ramos ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Toronto kay Labor Secretary Silvestre Bello III, wala umanong 700 job order para sa trabahong mushroom picker sa Canada.
Dagdag pa rito, ang mga ulat na P150,000-P180,000 kada buwan na suweldo bilang mushroom picker ay “inflated at inaccurate.”
Ang mga mushroom picker ay kadalasang binabayaran ng minimum wage sa Ontario at iba pang probinsya. PAUL ROLDAN
Comments are closed.