NAGLABAS na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng patakaran para sa pag-apruba ng aplikasyon sa renewal ng rehistro sa labor contractors upang mas mapabilis pa ang proseso nito.
Batay sa Labor Advisory No. 06, nilinaw ang patakaran sa pag-renew ng rehistro ng contractor sa ilalim ng Department Order No. 174, series of 2017, kung saan agad aaksiyunan ang pag-renew ng aplikasyon ng labor contractor na walang inspection findings o walang naka-pending na kaso.
Ang aplikasyon para sa renewal ng rehistro ng contractor na sumunod sa mga itinakdang patakaran sa ilalim ng Section 21 ng D.O. 174-17 ay aaksiyunan ng DOLE ayon sa kasalukuyang proseso.
Nakasaad din sa advisory na hindi tatanggapin ang aplikasyon para sa renewal ng rehistro ng kaso na may inspection findings o may naka-pending na kaso at naisyuhan ng pinal na Compliance Order.
Ipoproseso lamang ang aplikasyon kapag isinumite ang katibayan sa pagsunod sa compliance order o ang kautusan na idinismis na ang kaso. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.