DOLE NAGPAALALA SA HOLIDAY PAY RULES

holiday

PINAALALAHANAN kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa tamang pagpapasuweldo sa kanilang mga ­empleyado sa tatlong holidays ngayong buwan ng Nobyembre.

Sa inisyung Labor Advisory No. 11 ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang sa naturang holidays ang All Saints’ Day at All Souls Day sa Nobyembre 1 at 2, at Bonifacio Day sa Nobyembre 30 naman.

Kaugnay nito, nagpalabas din ang DOLE ng pay rules na dapat sundin ng mga employer sa pagpapasuweldo.

Para sa Nobyembre 1 at 2, na parehong special non-working holidays, ay ipatutupad ng DOLE ang “no work, no pay” principle kung hindi papasok sa trabaho ang isang manggagawa, maliban na lamang kung may paborableng company policy, practice, o collective bargaining agreement (CBA) na nagkakaloob ng kabayaran sa kanila sa naturang special days.

Para naman sa mga nagtrabaho sa nasabing special days, ang manggagawa ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang daily rate sa unang walong oras ng trabaho o [(Basic wage x 130%) + COLA)]; at karagdagan pang 30% ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw para naman sa kanyang overtime work, o yaong lampas sa walong oras o (Hourly rate of the basic wage x 130% x 130% x number of hours worked).

“For work done during a special day that also falls on the workers’ rest day, they shall be paid an additional 50 percent of their daily rate on the first eight hours of work, [(Basic wage x 150%) + COLA)]; and for work done in excess of eight hours (overtime work) during a special day that also falls on the workers’ rest day, they shall be paid an additional 30 percent of their hourly rate on said day, (Hourly rate of the basic wage x 150% x 130% x number of hours worked),” anang DOLE.

Samantala, para naman sa Nobyembre 30, na isang regular holiday, ang isang manggagawa na hindi nagtrabaho sa natu­rang araw ay dapat pa rin siyang bayaran ng employer ng 100% ng kanyang sweldo o [(Basic wage + COLA) x 100 percent]; gayunman kung ang empleyado ay nagtrabaho sa araw ng holiday, ay dapat siyang bayaran ng 200% ng kanyang regular salary para sa nasabing araw sa unang walong oras o [(Basic wage + COLA) x 200 percent].

Kung mag-o-overtime, dapat pa siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa nasabing araw o (hourly rate of the basic wage x 200 percent x 130 percent x number of hours worked).

“If the employee worked during a regular holiday that also falls on his or her rest day, he or she shall be paid an additional 30 percent of his or her daily rate of 200 percent [(Basic wage + COLA) x 200 percent] + [30 percent (Basic wage x 200 percent)],” anang DOLE.

Kung mag-o-overtime ang empleyado sa isang regular holiday na tumapat sa araw ng kanyang pahinga, dapat pa siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate o (hourly rate of the basic wage x 200 percent x 130 percent x 130 percent x number of hours worked). ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.