PINAG-IISIPAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila na dalhin sa dolomite beach ang vaccination sa Maynilla dahil ito ay safe sa mga babakunahan dahil ito ay open-air at malawak ang lugar.
Ang planong ito ng pamahalaang lungsod ay makaraang pormal na binuksan ang mass inoculation para sa mga bata at matatanda sa newly-rehabilitated Manila Zoo bilang vaccination hub kasabay ng pagbukas ang Zoo sa publiko.
Nabatid na ang vaccination ng mga bata at matatanda sa Manila Zoo ay sakop ang minors na edad 12 hanggang 17 (first at second dose) at senior citizens na gustong mag-avail ng booster shots na kung saan ay may kabuuang 1,000 ang ia-accomodate mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
Maari magrehistro, piliin kung anong petsa ang gusto at hintayin ang real-time text o ang link para sa QR code. Maari din silang magrehistro ng bukod sa http://www.manilacovid19vaccine.ph para sa kanilang vaccination proper kung saan kailangang magbigay ng personal details.
Para sa mga first dose at booster shots, lahat ng brands ay available at kailangan lamang sabihin ng magpapabakuna ang kanilang brand choice sa vaccinators.
Dahil dito, hinikayat din ng punong lungsod ang lahat ng mga magulang na may anak na 5-anyos hanggang 11 na magpre-register sa local government’s mass vaccination program upang ang kanilang mga anak ay agad na mabakunahan kapag available na ang guidelines para sa nasabing age group sa lungsod.
Sa ulat ni Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan, may 7,412 minors na edad 5 hanggang 11 ang pre-registered para sa nasabing mass vaccination at ito ay para sa kabuuang 189,510 total eligible minors na nakapag-registered hanggang Enero 17. VERLIN RUIZ