NAGTALA ng double-digit increase ang total volume at value ng domestic trade sa first quarter ng taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa report ng PSA, ang total quantity ng domestic trade sa unang tatlong buwan ng taon ay umabot sa 7.73 million tons, tumaas ng 19.7 percent mula 6.45 million tons sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa PSA, halos lahat ng commodities ay kinalakal sa pamamagitan ng tubig, habang ang iba ay sa pamamagitan ng air sa first quarter ng 2024.
Sa commodity section, ang food at live animals ang nangunguna pagdating sa quantity o dami ng domestic trade sa first quarter ng 2024 na may 3.46 million tons, o share na 44.7 percent sa kabuuang domestic trade.
Sinundan ito ng mineral fuels, lubricants and related materials at machinery and transport equipment.
Sa rehiyon, ang Western Visayas ang nagtala ng pinakamaraming traded commodities na may 3.05 million tons o 39.5 percent share sa kabuuang domestic trade, sumunod ang Central Luzon at Central Visayas.
Lumago rin ang total value ng domestic trade ng 46.7 percent sa P389.42 billion mula P265.51 billion noong 2023.
“In terms of value, majority (99.96%) of the commodities that flowed within the country were traded through water (coastwise), while the remaining were traded through air in the first quarter of 2024,” ayon sa PSA.
Ang food and live animals ang nanguna pagdating sa value ng traded commodities na may P225.08 billion o 57.8 percent share sa total domestic trade value sa first quarter ng 2024.
Sinundan ito ng machinery and transport equipment sa P73.97 billion at manufactured goods sa P30.29 billion.
Ang Western Visayas ang nagtala ng pinakamataas na value ng traded commodities na nagkakahalaga ng P223.33 billion.
Samantala, ang National Capital Region ang nagrehistro ng pinakamataas na inflow value ng domestic trade sa P160.13 billion o 41.1 percent share sa total inflow ng domestic trade sa first quarter ng 2024.
“Inflow refers to the value of commodities that enter a specified region or province from other regions or provinces,” ayon sa PSA.