MAGIGING special guest ang chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.
Bibisita si PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer Andrea D. Domingo sa weekly forum sa unang pagkakataon para talakayin ang mahalagang suporta na ipinagkakaloob ng gaming agency sa Philippine sports.
Ang PAGCOR ay long-time friend din ng longest public sports program ng PSA, kasama ang San Miguel Corp., Braska Restaurant at Amelie Hotel.
Makakasama ni Domingo sa session si Skateboarding and Rollerblade Association of the Philippines president Monty Mendigoria upang tala-kayin ang katatapos na National Open Skateboarding and Rollerblade Championships sa Sta. Rosa, Laguna, ang ongoing qualifying campaign ni Margielyn Didal sa 2020 Tokyo Olympics, at ang paghahanda ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games kung saan lalaruin ang skateboarding sa unang pagkakataon.
Hinihikayat ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa 10:00 a.m. forum.
Comments are closed.