DONAIRE DUDA SA POSITIVE COVID-19 RESULT

Nonito Donaire

DALAWANG araw makaraang magpositibo sa COVID-19, dahilan para iatras siya ng mga promoter sa kanyang December 19 fight para sa bakanteng WBC bantamweight title, nagsalita na rin si Nonito Donaire, kasama ang kanyang pamilya.

Inihayag ng maybahay ni Donaire na si Rachel sa Facebook ang kanilang mga naging karanasan sa pagsunod sa health protocols na kinakailangan para ma-clear ang Pinoy boxer sa laban.

Nagpahayag si Rachel ng pangamba sa positive test ni Donaire, subalit makalipas ang dalawang araw ay nagduda rin makaraang mag-negatibo siya, ang kanyang mga anak, at ang iba pa sa team ng boksingero.

Sa isinagawang private retest ng pamilya Donaire ay lumabas na  negatibo ang Pinoy fighter.

Kinuwestiyon din ni Donaire ang petsa ng test na nagpapakita na positibo siya sa COVID-19.

“Blood draw done with witnesses and surveillance proof on Dec 5 11am. Blood draw results note collection at Dec 4 3pm. On my test, my wife AND trainer. How you retrodating when you collected my blood?” tweet ni Donaire.

Ngayon ay nais ng kanyang kampo ng official retest sa pagbabakasakaling matuloy ang fight.

Si Donaire ay nakatakda sanang makipagbakbakan kay Puerto Rican Emmanuel Rodriguez sa December 19 para sa bakanteng WBC bantamweight title sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

Comments are closed.