DONNY PANGILINAN, SANDRO MARCOS PINAGSASABONG. WHAT’S THE POINT?

Hindi ko maintindihan kung bakit pinagkukumpara ang isang artista at isang pulitiko. Sina Donny Pangilinan at Sandro Marcos ang sinasabi ko. Suportado kasi ni Donny ang tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan, na normal lang naman dahil uncle at ninong ni Donny si Kiko. At syempre, tutulungan ni Sandro sina  Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte dahil tatay niya si Bongbong.

Pero wala talagang point na pag-awayin sila dahil magkaiba sila ng kategorya. Si Donny ay actor sa Kapamilya Channel, habang si Sandro, kahit pa pwede rin namang mag-artista, wala naman yatang plaong pumasok sa entertainment industry. In fact, kumakandidato itong kongresista sa Ilocos Norte first district. Tumutulong siya sa campaign sorties para sa kanyang ama, yet, normal sa pamilya ang magtulungan.

Pero dahil pareho ngang guwapo at may hatak sa tao, napapagkumpara sila ng mga netizens at parehong inaabangan sina Donny at Sandro sa sorties ng kani-kanilang partido.

Proud na proud ang mga pro-Marcos Jr. supporters kay Sandro dahil “heartthrob material” daw ito bukod pa sa napakaganda ng academic credentials. Kasi naman, nakapagtapos ng Master’s Degree in Development Studies sa London School of Economics and Political Science si Sandro, habang si Donny, nag-aaral pa lang ng Multimedia Studies sa University of the Philippines Open University habang nag-aartista. Pero di ba mas dapat lang na ang pagkumparahin ay ang mga magkakalabang kandidato kesa ang mga nag-eendorso sa kanila?

BASTOS NA CREW NI FRANKIE PANGILINAN IIMBESTIGAHAN

Pinaiimbestigahan ni Frankie Pangililanan ang staff ng kanyang Frankie’s New York Buffalo Wings Resto hinggil sa akusasyong may staff siyang nambastos ng customer.

Naganap umano ang pambabastos sa isa nitong branch noong March 20, 2022 matapos ang rally ni presidential candidate Leni Robredo sa Pasig City, ayon sa post ng isang netizen.

Ayon sa post, isa sa staff ng Frankie’s ang sumigaw ng “BBM” habang dumadaan sa isang mesang puno ng mga supporters ni Leni na nakasoot ng pink.

Umangal daw ang mga supporters ni Leni at sinabing irereport ang insidente sa management pero umismid lamang umano ang staff at nagsabing “nakakatawa lang ang mga Leni supporters na nao-offend.” Marami pa umano itong sinabi bago sila iniwan.

Humingi naman ng paumanhin si Frankie at nangakong iimbestigahan kung ano ang talagang nangyari. Habang wala pang resulta ang imbestigasyon, isasailalim umano sa re-orientation ang lahat ng staff ng Frankie’s upang bigyang diin ang pagpapakita ng “respeto na hindi apektado ang personal niyang paniniwala.”