DOSE NA!

MGA SUKI, naka-dose na o 12 taon na ang PILIPINO Mirror, ang pahayagang dalawa ang front page, salamin ng katotohanan, unang tabloid sa negosyo at ngayon ay inyong Katuwang sa Negosyo!

Bagama’t mga beteranong diyarista ang nasa likod ng PILIPINO Mirror, hindi ito easy-made product dahil sa pagpili pa lamang ng mga taong gaganap ay dumaan sa butas ng karayom ang proseso.

Ang wisdom ni dating Ambassador Antonio L. Cabangon Chua ang naging gabay sa produksiyon ng pahayagang ito.

At ang gabay ng aming mga bossing, lalo na ang aming Chairman of ALC Group of Companies, D. Edgard A. Cabangon, ang nagpapatatag sa operasyon ng diyaryo.

Ang inspirasyon mula sa aming mga bossing ang nagbibigay-buhay para itawid ang pahayagang ito, at araw-araw, rain or shine, holiday man o may kalamidad, katuwang n’yo kami.

“We are a team.” Ito ang ikinintal ng management ng Filipino Mirror Media Group Corporation  kung kaya sa kabila ng  iba’t ibang hamon ay nagpatuloy kami.

Every minute ay mahalaga sa lahat ng dibisyon ng aming kompanya upang maihatid sa publiko ang mga balita kaugnay sa pagnenegosyo, politika, edukasyon, sports at current events maging sa public service.

Nagtatrabaho kami para maghatid at magpayaman ng kaalaman sa publiko.

Maging traditional reporting o sa social media, narito kami para maging katuwang ng mga negosyante, educator o  ano man ang inyong estado sa buhay.

Ngayong patungo kami sa ika-13  taon, asahan ninyong pagbubutihin pa namin ang trabaho.

Dahil ang inyong PILIPINO Mirror ay katuwang ninyo sa negosyo!