IHAHANDOG ng Philippine Textile Research Institute (PTRI) ang stain-resistant fabrics, mosquito-repellent textiles, at anti-microbial coats na ilan lamang sa mga produktong idi-display lalo na ang smart textile applications, sa isang exhibit na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City sa Hulyo 17-21.
Ang PTRI, na karugtong na ahensiya ng Department of Science and Technology (DOST), ang magsasagawa ng naturang exhibit na itataon sa pagdiriwang ng National Science and Technology Week.
Sa isang panayam, kamakailan, sinabi ni PTRI Director Celia Elumba na ang ahensiya ay may teknolohiya na maiaalok para sa tahanan, opisina at eskuwelahan.
“We have anti-mosquito repellents that one can put on his or her clothing, or on any part of his or her body,” ani Elumba. Magpapakita rin ang PTRI ng stain resistance application, ganundin ang anti-microbial treatment para sa mga damit.
Hindi lamang sa mga damit o tela puwedeng i-apply ang mga ito kung sa lanyards, throw pillows, at kahit na sa mga home furniture.
Ipinahayag ni Elumba na ang PTRI ay magdi-display ng mga produkto na mai-a-apply sa ganung klaseng teknolohiya.
“Because it is the products that the public would appreciate. So they would see what technology can do on these products,” paliwanag niya.
“For example, we used a doctor’s coat to feature the anti-microbial application. This technology is very suitable in the hospitals. We also have a mosquito recoil that one could use for nine days and is rechargeable,” patuloy pa ni Elumba.
Hinihimok ng PTRI director ang publiko na makipag-ugnayan sa PTRI at gamitin ang ganitong teknolohiya sabay sabi na ito ay hindi ibebenta, lalo na sa okasyon sa World Trade Center.
“We have these technologies that make lives easier. For example, if you spill coffee on your shirt, you need not worry because it would not stain,” dagdag pa niya.
Sa nagdaang taon ng pagdiriwang ng National Science and Technology Week, naghandog ang PTRI ng mga sinulid na kanilang nilikha.
“Last year, we highlighted the use of natural textile fiber. We showcased these fibers from banana, leaves, and coconut husk. You can create threads and add color to these materials. For this year, we will showcase what else can be added to these products,” sabi niya.
Samantala, naghanda rin ang ahensiya ng ilang kaganapan na nakatakda sa Hulyo 19-20 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Sinabi pa ni Elumba na nag-imbita ang PTRI ng speakers mula sa komunidad, social entrepreneurs, mga kinatawan sa local government, at isang propesor.
Ilan sa mga topic na tatalakayin ay circularity o paano tayo makatutulong ng hindi natin namamalayan sa kalikasan.
“There is a study that when we wash clothes made of polyester, it produces 7 to 8 microplastics in one liter of water,” sabi pa niya.
Kasama rin aniya ito sa tatalakayin sa forum. PNA
Comments are closed.