DOTr, DPWH PINASALAMATAN NG METRO MAYORS SA BIKE LANES

Edwin Olivarez

PINASALAMATAN ng Metro Manila Council (MMC) ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paglalagay ng daanan ng mga bisikleta sa ilalim ng proyektong Metro Manila Bike Lane Network.

Sa paglulunsad ng Metro Manila Bike Lane Network na dinaluhan nina MMC chairman at Pa­rañaque City Mayor Edwin Olivarez at San Juan Mayor Francis Zamora ay personal na pinasalamatan ng dalawang alkalde sina DOTR Secretary Arthur Tugade at DPWH Secretary Mark Villar na dumalo din sa natu­rang okasyon.

Sinabi ni Olivarez na ang paglalagay ng specific bike lane ay malaking kaginhawahan para sa mga cycling enthusiasts na mawawala na ang kanilang takot sa pagkakaroon ng aksidente sa kalsada.

Ayon kay Olivarez, noong kasagsagan ng pandemya bunsod sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay tinatalakay na sa MMC na binubuo ng 17 Metro Manila mayors ang paglalagay ng bike lane sa kani-kanilang lugar na nasasakupan para na rin sa kaligtasan ng mga gumagamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon.

Sinabi rin ni Olivarez na maliban sa pagpo-promote para sa magandang kalusugan at libangan ang pagbibisikleta ay nagbibigay din ito ng alternatibong solus­yon upang masagot ang pagkukulang ng transportasyon dahil na rin sa pandemya na idinulot ng COVID-19.

Napag-alaman pa kay Olivarez na sa kanyang lugar na nasasakupan ay nauna nang nakapaglagay ng bike lane noong Oktubre ng nakaraang taon sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road) patungong Ninoy Aquino Avenue na mayroong disenyong blue road markings at signages na naaayon sa international standards.  MARIVIC FERNANDEZ

4 thoughts on “DOTr, DPWH PINASALAMATAN NG METRO MAYORS SA BIKE LANES”

  1. 843349 102392Maintain in touch whilst functioning from your personal home office with out all with the hassle of purchasing or procurment costly workplace equipment. Debtors are allowed to apply with their a bad credit score background whenever. 587102

Comments are closed.