DOTr, PCG , Army at MMDA nagsanib-puwersa OPERATION LIBRENG SAKAY IKINASA

Libremg sakay

DAHIL sa inaasahang magiging pahirapan na naman ang transportasyon para sa mga health worker, frontliner at Authorized Person outside Residence (APOR)  dulot na rin ng muling pinairal na modified enhanced community quarantine (MECQ)  sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Laguna ay agad na ikinasa ang  “Libreng Sakay” ng mga ahensiya ng gobyerno.

Nakahanda na ang mga bus ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at  Department of Transportation (DOTr)  gayundin ang trucks at busses ng Philippine Army (PA) at Philippine Coast Guard (PCG)  para magbigay ng libreng sakay sa mga medical frontliner at APOR.

Sa anunsiyo ng  DoTr, magkakaroon ng dalawang shift ang libreng sakay para sa health workers at medical frontliners sa mga bus mula ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi at ala-6 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga sa 20 ruta sa loob ng Greater Metro Manila Area.

Batid ng MMDA na magkakaroon ng mga pasaherong maii-stranded dahil sa limitadong biyahe ng mga libreng sakay sa ilalim ng pagpapatupad ng MECQ sa Kalakhang Maynila at karatig na mga lalawigan.

“Sigurado tayong madami ang ma-stranded. Ang maganda lang ngayon napagdaanan na natin itong MECQ alam na natin yan,” ani  MMDA General Manager Jojo Garcia.

Kabilang sa mga available na ruta para sa libreng sakay na ito ng gobyerno ay ang Malanday-Welcome Rotunda; Paso de Blas-Welcome Rotunda; Tungkong Mangga-Quezon City; Masinag-Ortigas; Cainta-BGC-Pasig; Quezon Ave-E.Rod-Cubao; Alabang-Makati-BGC; Alabang Feeder Route; Alabang-Manila Line; Aguinaldo Highway Line; Alabang-Cavite Line; Pasig-Greenhills-Manda-Makati; Taytay-Santa Mesa; Molino-Manila Line; Sucat Line; San Mateo Line; North Caloocan Feeder Route; Cavite North Line at Laguna Line.

Gayundin, mayroong 20 na ruta ang bus ng PCG sa Metro Manila.

Ayon pa sa DOTr, naisagawa ang programa dahil na rin sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Pangulo at iba’t iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kabahagi rin ng pamahalaan sa programa ang iba’t ibang bus companies.

Makikita rin online ang actual location ng mga bumibiyaheng bus sa ilalim ng DOTr Free Ride for Health Workers Program.

Dahil dito, malalaman ng mga frontliner kung may paparating na bus at ang oras ng pagdating nito.

Sa kasalukuyan, mayroong 110 bus units sa kabuuang bilang na 150 buses ang nakabitan na ng GPS LOCATION TRACKER DEVICES at inaasahang madaragdagan pa ang bilang sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga ruta ay ang mga sumusunod:

Route 1: Meralco (Malanday) papuntang United Doctors Medical Center https://bit.ly/DOTrHS_Line1_GPS

Route 2: Valenzuela Gateway Complex papuntang United Doctors Medical Center https://bit.ly/DOTrHS_Line2_GPS

Route 3: SM City San Jose Del Monte papuntang Centris https://bit.ly/DOTrHS_Line3_GPS

Route 4: SM Masinag papuntang The Medical City Ortigas https://bit.ly/DOTrHS_Line4_GPS

Route 5: Ortigas Hospital and Healthcare Center papunta Rizal Medical Center https://bit.ly/DOTrHS_Line5_GPS

Route 6: MRT 3 Cubao papuntang Philippine General Hospital via MRT 3 Centris Station https://bit.ly/DOTrHS_Line6_GPS

Route 7: Pasig City General Hospital papuntang Makati Medical Center https://bit.ly/DOTrHS_Line7_GPS

Route 7a: Medical City Ortigas papuntang VRP Medical Center https://bit.ly/DOTrHS_Line7a_GPS

Route 8: Starmall Alabang papuntang St. Luke’s Medical Center – BGC https://bit.ly/DOTrHS_Line8_GPS

Route 9: Vista Mall Daang Hari papuntang United Doctors Medical Center https://bit.ly/DOTrHS_Line9_GPS

Route 10: RITM papuntang Starmall Alabang https://bit.ly/DOTrHS_Line10_GPS

Route 11: Starmall Alabang papuntang Manila Doctors Hospital https://bit.ly/DOTrHS_Line11_GPS

Route 12: Dasmariñas Pala-Pala papuntang Manila Doctor’s Hospital https://bit.ly/DOTrHS_Line12_GPS

Route 13: Starmall Alabang papuntang Sea Oil Imus Daang Hari/Aguinaldo https://bit.ly/DOTrHS_Line13_GPS

Route 14: SM City Taytay papuntang St. Luke’s Medical Center – QC https://bit.ly/DOTrHS_Line14_GPS

Route 15: SLEX Sucat Exit papuntang Phi­lippine General Hospital https://bit.ly/DOTrHS_Line15_GPS

Route 16: MRT-3 Cubao papuntang Philippine General Hospital https://bit.ly/DOTrHS_Line16_GPS

Route 17: SM City San Jose Del Monte papuntang SM Fairview/ Commonwealth Hospital and Medical Center https://bit.ly/DOTrHS_Line17_GPS

Route 18: LRT-1 Monumento papuntang Baclaran Market https://bit.ly/DOTrHS_Line18_GPS

Route 19: First Cabuyao Hospital and Medical Center papuntang Starmall Alabang https://bit.ly/DOTrHS_Line19_GPS

Route 20: SM City Masinag papuntang Lawton https://bit.ly/DOTrHs_Line20_GPS

Bukod dito, maaari ring ma-navigate ang live location sa mobile at website ng Sakay.Ph sa link na ito: https://covid19.sakay.ph/. Habang available naman ang 20 routes ng libreng sakay sa Google Maps: https://bit.ly VERLIN RUIZ

Comments are closed.