MULING ipinaalala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga magsasaka na bawal ang pagbibilad ng palay sa mga kalsada.
Mahigpit na ipatutupad ang Presidential Decree No. 17 o Philippine Highway Act of 1953.
Nakasaad sa ilalim ng batas ang pagbabawal sa pagpapatuyo ng palay sa mga pangunahing kalsada para maiwas sa aksidente ang mga motorista.
Ito ay bunga ng panahon na ng anihan ng mga palay.
Ipinaliwanag ng DPWH na paglabag sa batas ang pagsakop ng kahit anong bahagi ng mga kalsada, pampublikong tulay, o riles para sa pampribadong gamit.
“It shall be unlawful for any person to usurp any portion of a right-of-way, to convert any part of any public highways, bridge, wharf or trail to his own private use or to obstruct in the same in any manner,” ayon sa kagawaran.
Parusang hanggang anim na buwang pagkakakulong at piyansang P1,000 ang ipapataw sa sino mang mapatutunayang lumabag dito.