DRAFT NG IRR NG GCTA TAPOS NANG REPASUHIN

Markk Perete

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na tapos na ang pagrepaso sa draft ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, naisumite na ng joint review committee ang draft ng IRR kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior and Local Government  Secretary Eduardo Año.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Perete na hihilingin din ng review committee sa DOJ at DILG na palawigin ang panahon upang repasuhin ang uniform manual and guidelines para sa implementasyon ng R.A. 10592.

Nakatakda naman sa Lunes, Setyembre 16 ang ceremonial signing para sa revised IRR ng GCTA law. DWIZ 882

Comments are closed.