RIZAL – MALAGIM ang kamatayan ng isang drag racer nang bumangga sa poste ng Light Rail Transit (LRT) ang sinasakyan nito noong Sabado ng gabi sa Antipolo City.
Kinilala ang biktima na si Nigel Victoriano Nicolas, nasa hustong gulang.
Nabatid na dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang aksidente habang ang biktima ay sakay ng kanyang kotse na may plakang CMJ-916 at habang binabaybay ang south bound Marcos Highway, Brgy. Mayamot.
Ayon sa imbestigasyon ng Antipolo Police, nag-eensayo umano ang biktima para sa drag race nila ng gabing iyon nang maganap ang aksidente na agarang ikinasawi nito sa nasabing pagsalpok sa poste.
Ayon sa ilang nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng kotse na dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela ang biktima na naging dahilan para sumalpok sa poste. ELMA MORALES
Comments are closed.