DRAGONS MINASAKER ANG DYIP

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4:30 p.m. – Blackwater vs TNT
6:45 p.m. – Rain or Shine vs Meralco

PINAGLARUAN at tinambakan ng second-running Bay Area ang Terrafirma,130-76, upang itala ang ika-6 na panalo sa pitong laro sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.

Ang 136 na iskor at ang 54-point margin ang pinakamalaki ng Hong Kong-based guest team sa anim na laro. Hinigitan nito ang 133 points na kinamada sa una nilang laro kontra Blackwater.

Nalasap naman ng Dyip ang ika-6 na sunod na kabiguan at ika-22 sunod sa kabuuan na naglapit sa kanila sa maagang pagkakasibak sa conference.

Walang nagawa ang tropa ni coach John Edel Cardel at si import Lester Prospe kundi panoorin ang pananalasa ng Dragons.

Ang panalo ay ikalawang sunod ng Bay Dragons matapos talunin ang defending champion San Miguel Beer,113-87.

Sa nilalaro ng Bay Area ay hindi malayong masungkit nito ang korona sa Commissioner’s Cup na isang malaking insulto at kahihiyan sa mga PBA player..

Nanguna si Andrew Nicholson na may 37 points at 10 rebounds para sa Dragons. Hindi na ipinasok si Nicholson sa fourth quarter at hinayaan ang kanyang mga kasamahan na tapusin ang lopsided na laro. CLYDE MARIANO

Iskor:
Bay Area (130) – Nicholson 37, Zheng 17, Song 15, Zhu 12, Blankley 9, Lam 9, Yang 8, Si 7, Liu 5, Liang 4, Zhang 3, Reid 2, Ju 2.
Terrafirma (76) – Tiongson 21, Prosper 18, Munzon 9, Cahilig 8, Camson 5, Gomez de Liano 4, Alolino 4, Mina 3, Calvo 2, Gabayni 2, Javelona 0, Ramos 0, Grospe 0, Balagasay 0.
QS: 35-18, 67-37, 101-62, 130-76.