Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – NorthPort vs Terrafirma
6:45 p.m. – Phoenix vs Magnolia
NAGING mainit ang pagbabalik ni Myles Powell sa Bay Area sa 2022 PBA Commissioner’s Cup nang pangunahan ang Dragons sa 120-87 paglampaso sa Rain or Shine kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nagpakawala ang 6-foot-2 guard ng conference-high 50 points sa loob lamang ng 31-minute run sa unang tatlong quarters.
Sa panalo ay umangat ang Hong Kong- based guest team sa 7-2 kartada kasosyo ang Converge sa ikalawang puwesto at kailangan na lamang ng isang panalo para umabante sa quarterfinals.
Bumagssk naman ang Rain or Shine sa 4-5 kartada sa seventh place katabla ang NorthPort
Masama ang loob sa ikalawang talo sa walong laro sa Meralco, 89-92, pinagbalingan ng galit ng Dragons ang Elasto Painters at binigo ang debut ni Ryan Pearson na pumalit kay Steve Taylor.
Dinomina ng mabibilis at matataas na Bay Area ang laro kung saan lumamang ito ng 29 points, 87-58, tungo sa walang kahirap-hirap na panalo.
Nanguna sina Anton Asistio na may 20 points at Rey Nambatac na may 12 markers para sa Elasto Painters, na maganda ang naging simula ngunit bumigay makaraang ma-outscore, 59-31, sa dalawang middle quarters dahil sa pananalasa ni Powell.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Bay Area (120) – Powell 50, Liu 11, Song 9, Lam 9, Ju 7, Blankley 6, Zhu 6, Ewing 6, Si 6, Zheng 4, Yang 2, Zhang 2, Reid 2, Liang 0.
Rain or Shine (87) – Asistio 20, Nambatac 12, Pearson 9, Norwood 9, Nieto 8, Belga 6, Caracut 5, Ponferrada 5, Santillan 4, Clarito 3, Torres 2, Borboran 2, Demusis 2, Guinto 0, Mamuyac 0, Ildefonso 0.
QS: 28-27, 57-42, 87-58, 120-87.