Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – TNT vs Meralco
5:45 p.m. – Magnolia vs San Miguel
NAGING sandigan ng Bay Area ang mainit na first half mula kay Myles Powell upang maitakas ang 118-98 panalo kontra NLEX at umabante sa quarterfinals sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Galing sa 50-point explosion sa kanyang pagbabalik bilang import ng Dragons, naitala ni Powell ang 24 sa kanyang 36 points sa opening half at nagwagi ang Bay Area ng dalawang sunod upang umangat sa 8-2 kartada.
Naiposte ni Powell, tumapos din na may 8 rebounds, 6 assists, at 2 steals, ang 13 sa 38-point eruption ng Dragons sa second period na nagpalobo sa five-point lead ng foreign squad sa 64-45 sa halftime.
Lima pang Bay Area players ang umiskor ng double figures sa lopsided win na nagbigay sa Road Warriors ng kanilang ika-4 na sunod na kabiguan.
Tumipa si Glenn Yang ng 15 points, 5 rebounds, at 5 assists, nagposte si Hayden Blankley ng 13 points, 14 rebounds, at 6 assists, habang nagdagdag si Ju Mingxin ng 11 points sa 15 minutong paglalaro.
Nanguna si import Earl Clark para sa NLEX na may 17 points, 11 rebounds, 5 assists, at 2 steals.
Bumagsak ang Road Warriors sa 3-6 kartada.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Bay Area (118) – Powell 36, Yang 15, Blankley 13, Lam 12, Ju 11, Liu 11, Zhu 9, Song 6, Reid 4, Zheng 1, Ewing 0, Si 0, Liang 0.
NLEX (98) – Clark 17, Trollano 15, Chua 15, Ganuelas-Rosser 12, Rosales 12, Alas 10, Paniamogan 6, Celda 5, Varilla 4, Miranda 2, Fonacier 0, Ighalo 0.
QS: 26-21, 64-45, 91-71, 118-98.