DRAYBER NA NANGALADKAD SA ENFORCER, NAKA-DRUGS

enforcer kinaladkad

POSITIBO  sa droga  ang drayber na na­ngaladlad sa isang enforcer ng Manila Traffic  Parking  Bureau  sa Sta. Cruz, Manila.

Kinumpirma ito ni Manila Mayor Isko Moreno kahapon makaraang itawag sa kanya ng MPD-Police Station 3 sa ilalim ng pamumuno ni Lt/Col Reynaldo Magdaluyo, na si Orlando Ricardo ay napatunayang nasa impluwensiya ng ilegal na droga nang mangyari ang pangangaladkad sa enforcer na si Adrian Lim.

Nakatakda na ring imbestigahan kung ang suspek ay sangkot  sa ibang krimen gamit ang kanyang kotse.

“Ang alam namin may problema pa ‘yan sa malaking kompanya ng kotse kaya tinawag namin ang pansin ang kompanya upang malaman kung involve din siya sa ibang krimen”, anang alkalde.

Kamakalawa ay pinuntahan ng alkalde sa detention  facility ng MPD-PS 3 ang suspek at hindi ito  nakitaan ng pagsisi sa ginawa nito sa enforcer na aniya ay may ‘intend to kill’.

Dahil nagpositibo sa ilegal na droga ang suspek, panibagong kaso naman ang kanyang kahaharapin habang ang kanyang kotse  ay naka-impound.

Comments are closed.